#itsura

969 43 0
                                    

Nang marinig ang pangalan ay hindi nya maintindihan kung bakit hindi nya napigilan ang sariling tuluyan ng tumingin kay Dale. Nagtama ang kanilang paningin. Malungkot ang mga mata ni Dale habang ang mga mata nya'y waring nagtatanong. May ilang segundong nakatitig lang sila sa isa't-isa.
Si Dale ang unang nagbawi ng tingin. Pakiramdam nya kasi ay may mga tanong si Edward na hindi nya kayang sagutin. Akmang bubuksan na nya ang pinto ng kotse ng magsalita si Edward.
"Don't worry about it bro. It's fine, really!"
Nang marinig ni Dale yun ay tuluyan na syang bumaba ng kotse. Hindi pa man nya tuluyang nabubuksan ang pinto ng bahay ay umalis na si Edward. Hindi na sya lumingon dahil ramdam nyang nakalayo na ang sasakyan. Napabuntung hininga na lang sya at hinanap ang susi sa bag nya. Ipapasok pa lang sana nya ang susi ng bumukas ang pinto. Nagulat sya ng makitang nasa harapan nya si Vincent.
"Kuya?!?"/"Maymay?!?"
"Ano'ng ginagawa mo rito?!?" / "Bakit ganyan ang itsura mo?!?"

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon