Pilit na iwinawaksi ni Edward ang ngiti ni Dale na hindi maalis-alis sa isipan nya.
Nasa soccer field na sila at konting minuto na lang ay mag-uumpisa na ang laro.
Nakikita nyang seryoso si Dale sa pagwawarm-up.
Nakapwesto na rin ang mga manunuod kaya maingay na.
Naruon na rin ang kakambal nyang si Laura kasama ng cheering squad.
Naruon na rin ang team ng PMU.
Natatanaw na rin nya si Tanner.
Abala rin ito sa pagwawarm-up kasama ang team.
Nakita nyang maraming kababaihan ang nagchicheer para dito.
Pati ang mga kababaihan sa school nila ay napapatingin at napapahanga din dito.
Hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit naiinis sya nung makita nya ito.
Napatingin sya kay Dale at napansin nyang nakatingin din ito sa gawi nila Tanner.
Nang mapansin ito ni Tanner ay tumakbo ito papalapit kay Dale.
"What is he doing?" bulong ni Edward sa sarili.
Hindi nya namamalayan na lumalapit na rin sya kay Dale.
"Hey Vince! What's up bro?" ang bati ni Tanner sabay akbay nito kay Dale.
BINABASA MO ANG
Twinning In Love
Fanfictionjust another #MayWard story Cast of Characters: Maymay Entrata - full name Mary Dale Edward Barber - soccer varsity player, campus heartthrob Vincent Entrata - full name Vincent Dale, Maymay's twin brother Laura Barber - cheerleader, Edward's twin s...