#drop-out

952 41 6
                                    

Sumunod na inasikaso ni Maymay ay ang pagdrodrop-out nya. 
Kahit na wala naman talaga syang pinekeng records ay nakokonsensya pa rin sya sa pagpapanggap na ginawa nya kaya sinabi nya sa ina na magdrodrop-out na lang sya. Nanghihinayang man sa perang ipinangdown payment sa tuition ay pumayag na rin ang ina. Nangako naman si Maymay na magtratrabaho habang hindi pa nagsisimula ang next semester para kahit paano ay makabawi sa ina.
Umuwi na rin sya agad pagkatapos.

Sa klase ay nagtataka si Edward kung bakit hindi pa dumadating si Dale. Nakalimutan naman nyang tanungin ang cell phone number ni Maymay kaya hindi nya ito matetext para tanungin.
"Bro!" ang pagtawag ni Marco kay Edward.
Lumingon naman si Edward.
"Nabalitaan mo na ba na aalis na sa team si Dale?"
"What?!?"
"Oo bro! Wala ngang sinabi si Coach kung bakit basta ang sabi  lang hindi na daw part ng team."
Hindi alam ni Edward kung bakit sya kinabahan sa sinabi ni Marco.
Pero pakiramdam nya ay hindi na rin papasok sa klase nila si Dale.
Dali-dali syang tumayo at inayos ang mga gamit.
"Ano'ng ginagawa mo bro? Padating na si Prof aalis ka pa?"
"I need to talk to Dale!" at umalis na nga sya ng klase.
May klase si Laura kaya tinawagan nya ito.
"Hello Laura, can I have Dale's number please? I need to talk to him!"
Nataranta naman si Laura.
"Why? What's the problem?"
"I'll tell you later! Just please give me his number now!"
At ibinigay naman agad ni Laura ang number.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon