"I like you!" ang bigla ay sabi ni Edward sa kanya.
"Aa..ano?!?" hindi agad-agad pumasok sa isip ni Maymay ang sinabi ng binata.
Gulat na gulat sya sa sinabi nito.
Hindi na kasi pinatapos ni Edward ang sasabihin nya tungkol sa kanila ni Tanner.
"Ano bang sinasabi mo dyan Edward?"
"I like you!" ang ulit nito na muling nagpalaki ulit sa mga mata nya.
Hinawakan ni Edward ang dalawang kamay nya at tinitigan sya ng diretso sa mga mata.
"I've liked you since the first time I saw you."
Hindi makaimik si Maymay.
"I know you like Tanner but to me it doesn't matter. I just want you to know that I like you! I really do!"
Napailing sya sa sinabi nitong gusto nya si Tanner na inakala naman ng binata ay tinatanggihan nya ito.
"Pero..."
"It doesn't matter Maymay. I didn't tell you I like you so that you'd like me too!" at ngumiti ito sa kanya ng may bahid ng lungkot sa mga mata.
"Pero..." hindi sya pinatapos ni Edward sa pagsasalita at tinakpan ng isang daliri ang labi nya.
"Shhhh... it's okay Maymay.... really!I'm okay!"
Inalis nya ang daliri ni Edward sa labi nya.
"Patapusin mo muna kasi yung sasabihin ko! Singit ka ng singit eh!" sabay hinawakan nya ang magkabilang pisngi ni Edward.
Bago pa ito makapagsalita ulit ay....
"Gusto din kita!"
BINABASA MO ANG
Twinning In Love
Fanfictionjust another #MayWard story Cast of Characters: Maymay Entrata - full name Mary Dale Edward Barber - soccer varsity player, campus heartthrob Vincent Entrata - full name Vincent Dale, Maymay's twin brother Laura Barber - cheerleader, Edward's twin s...