Natigil si Vincent sa pagmumuni-muni ng mapansin nya ang buhok ni Maymay. Kahit na kasi titibo-tibo ito at hindi nagsusuklay ay hindi nito pinapagupit ang mahabang buhok kaya nagulat sya ng makitang maikli na ito.
"May, nagpagupit ka?"
"Ay, hindi kuya, nakawig ako!"
Hihilahin ang buhok ni Maymay.
"Aray naman kuya, hindi ka naman mabiro!"
"Bakit ka nagpagupit? Para na tuloy tayong kambal!"
"Si kuya nagpapatawa, eh kambal naman talaga tayo ah!"
"Ang ibig kong sabihin mukha ka ng lalaki!"
"Ayaw mo nun? Pareho na tayong pogi!" sabay akbay sa kuya nya.
"Yung totoo May? Meron ba akong dapat malaman bukod sa nagkakausap na kayo ni Laura?" seryosong tanong nito sa kapatid.
"Patay!" ang bulong ni Maymay sa sarili.
"Don't tell me natuluyan ka na sa pagiging lalaki?!? Porke't nabasted ka ni Edward magpapakatibo ka na lang?"
Tiningnan ito ni Maymay kung seryoso pa rin ito.
"Basted ka dyan kuya!"
"Ikaw kasi ang bagal mo! Naunahan ka tuloy ni Heather!" ang pang-aasar nito sa kapatid.
"Malay ko ba namang ang motto pala nun eh, The early higad catches the bird!"
"Hahahaha." at nagtawanan na ang magkapatid.
BINABASA MO ANG
Twinning In Love
Fanfictionjust another #MayWard story Cast of Characters: Maymay Entrata - full name Mary Dale Edward Barber - soccer varsity player, campus heartthrob Vincent Entrata - full name Vincent Dale, Maymay's twin brother Laura Barber - cheerleader, Edward's twin s...