#rooftop

888 43 3
                                    

Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam si Edward sa mga kasama na mauuna na sila ni Maymay.
"Naks naman bro! Mukhang merong mag....." hindi na natuloy ni Marco ang sasabihin dahil tinakpan ni Yong ang bibig nya ng makitang seryoso si Edward.
"Sige lang bai take your time!"
Kumindat naman si Christian.
"Pero paano si Laura?" ang tanong ni Maymay kay Edward.
"I'll be fine Maymay! I actually want to go home now since Dale is no longer here. You go with Edward!"
"Are you sure you'll be fine Laura? Just take the limo. Maymay and I will just take a cab."
"Bye guys we'll go ahead!"
At sabay-sabay na nga silang tatlo lumabas.
Hinatid nila si Laura sa sasakyan.
Nang makaalis na ito ay...
"Let's go Maymay!" sabay hawak sa kamay nito.
"San ba tayo pupunta?"
"Would you mind if we just go to the hotel's rooftop?"
"Ganun ba? Okay." hindi na nag-alangan pa si Maymay na sumama kay Edward.
Pumasok sila ulit sa loob ng hotel at sumakay ng elevator.
Tahimik silang pareho habang papaakyat.
Parehong nagpapakiramdaman.
Pagkarating ng rooftop ay inilahad ni Edward ang kanyang kamay kay Maymay.
Hinawakan naman ito ng dalaga at nag-umpisa na silang maglakad.
Nakita nilang merong pool ang rooftop pero walang tao doon.
Pinaupo sya ni Edward sa isang pool chair.
At umupo naman ito sa isa pa at humarap sa kanya.
Hindi makatingin si Maymay sa binata.
Ramdam nya kasi na titig na titig ito sa kanya. Na tila ba kinakabisado ang kanyang mukha. Hindi pa rin ito nagsasalita kaya...
"Edward.... akala ko ba may pag-uusapan tayo? Eh mukhang titingnan mo na lang ako magdamag! Baka matunaw na ako!" sa tonong pilit na nagpapatawa para maibsan ang nararamdaman na kaba.
Napangiti naman si Edward sa sinabi nya.
"You still haven't changed My May!" ang huli ay dahan-dahan nyang binigkas.
Hindi na lang pinansin ni Maymay yon pero ang rinig nya ay My May at hindi Maymay.
Inisip nya na lang na baka dahil slang ang binata ay mali sya ng narinig.
"So......." ang tila nag-aalangan na naman nitong pag-uumpisa.
"Ano?"
"I wanted to know your answers to my questions earlier while we were on the dance floor."
"Alin dun?"
"All of it!"
"Lahat?"
"Yes! Especially the last one!" ang tila nahihiya pa nitong sabi.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon