#baliw

950 41 5
                                    

Bagama't kinakabahan ay pumasok na si Maymay sa apartment nila.
"Sige, magbihis ka na muna bago tayo mag-usap." si Vincent na seryoso pa rin ang tono.
"Salamat kuya!" at dali-dali na syang pumunta sa kwarto upang magbihis. Bagama't kinakabahan sya ay handa na syang aminin ang lahat sa kuya nya. Pagkabihis ay agad-agad na syang lumabas ng kwarto. Umupo na sya at hinarap ang kanyang kuya.
"Ano'ng ibig sabihin nito?" sabay pinakita ni Vincent ang uniform nya sa soccer team.
Humugot ng malalim na hininga si Maymay.
"Patawarin mo ako kuya! Alam kong mali yung ginawa ko! Hayaan mo aayusin ko na ang lahat bukas na bukas din!"
"Ano'ng nangyari May? Bakit ginawa mo yun? Alam mong mali di ba? Hindi ka ba natakot na multuhin ni Papa Joe?"
"Ngek! Seryoso ka ba dyan kuya? Naisip mo pa talaga yun?"
"Syempre naman! Alam mo naman na hindi tayo pinalaki ni Papa Joe na sinungaling at manloloko!"
"Kaya nga itatama ko na ang ginawa kong pagkakamali!"
Tumayo sya at niyakap ang kuya nya.
"Sorry talaga kuya ha? Dahil lang sa kagustuhan kong matupad ang pangarap ko na makapaglaro ng soccer ginamit ko ang pagkatao mo!" at tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata nya.
Alam ni Vincent na mali ang ginawa ng kapatid pero mas nananaig ang pang-unawa nya dito at pagmamahal.
"Paglalaro ba talaga ng soccer ang pangarap mo o yung naglalaro ng soccer na nagngangalang Edward Barber?"
Hinampas ni Maymay ang dibdib ng kuya nya at bumalik na sa upuan.
"Kuya naman eh! Pero yung totoo kuya, akala ko rin talaga nung una dahil kay Edward kaya ko ginawa yun! Pero habang nag-eensayo kami dun ko napagtanto na mas matindi yung kagustuhan kong makapaglaro ng soccer. Bonus na lang talaga na kateam ko si Edward!" at sabay ngiti ni Maymay.
"Naiintindihan kita May kasi alam kong bata pa lang tayo yun na ang pangarap mo! Pero alam ko hindi ka rin magiging totoong masaya dahil may itinatago kang sikreto at hindi ka nagpapakatotoo."
Tumango naman si Maymay sa sinabi ng kakambal.
"Wala man lang bang nakahalata na hindi ka totoong lalaki?"
"Ang totoo ilang araw pa lang nabuking na agad ako ni Laura!"
"Alam ni Laura na nagpapanggap ka?"
"Oo! Sinabi nyang hindi nya ako ibubuking kung tutulungan ko syang magkabati kayo!"
Natawa na lang si Vincent.
"Baliw din talaga yung ex ko na yun!"

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon