Pagbalik nila sa table nila ay agad na tinanong ni Edward si Laura.
"Where's Maymay? I thought you went looking for Dale together?"
Nagkatinginan naman si Dale at Laura.
"But I thought she's here already?"
"Well, obviously she's not!" ang medyo inis na sabi nito.
"It doesn't matter! I'm going to look for her!"
at akmang aalis na ito.
Sa pangalawang pagkakataon ay pinigilan sya ni Dale.
"Wag na Edward! Ako na lang maghahanap sa kakambal ko! Magpapaalam na rin ako sa kanya na mauuna na akong umuwi."
"You're going home?" ang gulat na tanong ni Laura.
"Oo sana Laura! Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko kaya mauuna na ako sa inyo. Tutal tapos naman na ang toast para sa soccer team." sabay tingin ng makahulugan kay Laura.
"Oh okay! I guess you should go home so you can rest. I'll take care of Maymay!"
"Salamat! Una na ako mga bro! Edward!" sabay alis para "puntahan" si Maymay.
Tahimik naman na bumalik na lang si Edward sa upuan nya.
Dali-daling bumalik si Dale sa kwartong inupahan ni Laura.
"Nikki, bilisan natin at baka mainip si Edward hanapin pa ako!"
"Kakaloka ka girl! Sobrang stressful pala itong kalokohan nyo ni Laura! Nastress ang beauty ko!"
Tinulungan nya ulit magbihis si Dale at magmake-up.
"Buti na lang keribels ko ang mabilisang muk-ap!"
"Pasensya ka na Nikki! Pati ikaw nadamay pa!"
"Ano ka ba naman gurl? Ang totoo nag-enjoy ako! Feeling ko kasabwat ako sa isang secret rendezvous ng magjowa!O mas tamang sabihin na feeling fairy godmother ako kay Cinderella!" at kinikilig pa ito pagkasabi nyon.
"Salamat talaga Nikki!" sabay yakap nya dito.
"O sya tama na ang drama! Baka maiyak pa ako! Bumalik ka na sa party at naghihintay na ang prince charming mo!"
BINABASA MO ANG
Twinning In Love
Fanfictionjust another #MayWard story Cast of Characters: Maymay Entrata - full name Mary Dale Edward Barber - soccer varsity player, campus heartthrob Vincent Entrata - full name Vincent Dale, Maymay's twin brother Laura Barber - cheerleader, Edward's twin s...