#higadatlinta

935 43 6
                                    

Kinabukasan ay maraming babae ang panay ang lapit kay Dale.
May mga nanghihingi ng autograph, may nanghihingi ng number nya at ang iba naman ay sila ang nagbibigay ng number nila sabay pacute.
Hindi naman malaman ni Dale ang gagawin nya.
Ayaw naman nyang bastusin ang mga ito pero hindi rin naman nya pwedeng ibigay ang number nya.
To the rescue naman si Laura na natatawa lang sa nangyayari kay Dale.
Inangklahan nya si Dale sabay sabi ng "Back off girls! He's mine!"
"Ang alam ko ex mo na sya!" sabat ng isang higad.
"So?!?" ang pagtataray ni Laura dito.
"You better stay away if you know what's good for you! And that goes for all of you too!" sabay turo sa iba pang mga higad.
Nakita na rin ng mga higad si Edward kaya lumapit din sila dito.
"Kung ayaw mo eh di dito na lang kami sa kakambal mo!" sabay angkla naman ng isang linta sa binata.
"Too bad my twin is already spoken for!" sabay alis ni Laura ng galamay ng linta sa braso ni Edward.
"Weh?!? Di nga!?!" ang hirit pa ng linta.
"Really!" si Laura.
"Really???" si Edward.
"Yes, really!!!" ang sabat naman ni Dale sabay akbay kay Edward.
"Kanino naman?" at talagang ayaw pa rin paawat ng linta.
"Sa kakambal ko!" ang nakangiting sabi ni Dale.
"Asan naman yang kakambal mo?" sige kapit lang linta.
"She's his date for the acquaintance ball!" si Laura na biglang nagkaideya sa sinabi ni Dale.
"Really?!?" si Edward na kanina pa gulung-gulo sa sinasabi ni Dale at Laura.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon