#showermewidurluv

1.5K 57 0
                                    

Pagkatapos ng practice ng soccer team ay nagmamadali na naman umuwi si Dale ng hindi pa nakakapagshower.
"Bro, aren't you going to shower before going home? What's the hurry anyway?" tanong ni Edward kay Dale.
"Hindi na bro, sa bahay na lang! Madami pa kasi akong gagawin." (sabay magmamadaling umalis)
Maiiwan si Edward na mapapakamot ng ulo.
"Umalis na naman agad si Dale?" tanong ni Marco.
Tumango lang si Edward at nagpunta na rin sa shower room.
Sa pagmamadali ni Dale ay hindi niya mapapansin si Laura na nag-aabang sa kanya. Lalapit ito sa kanya at aangkla sa braso niya.
"Hey, Dale! Why are you in a hurry?"
Magugulat ito at asiwang aalisin ang braso ni Laura.
"Ikaw pala Laura!" Mapapansin ang bahagyang pagsimangot ni Laura sa pag-alis nya ng braso nito.
"Sorry! Pawis na pawis kasi ako nakakahiya naman sayo!" Sabay magtataas ng dalawang kamay.
"It's ok! I'm used to your sweaty smell, remember?" ngingiti na ulit ito.
"Dati yun Laura." ang mahinang sabi ni Dale.
"Oh! I just thought we're ok now. We're still friends right?" malungkot na sabi nito.
"Oo naman! Umiiwas lang ako sa gulo kaya..."
"Don't worry, it's okay!" malungkot pero pilit na ngingiti ito kay Dale. Akmang aalis pero pipigilan ni Dale ang dalaga.
"Sorry!" sabay hawak sa braso ni Laura.
"Ang baho ko na kasi kaya nakakahiya naman sayo." nakokonsensyang sabi nito sa dalaga.
Habang si Laura ay may ibang mararamdaman sa paghawak ni Dale sa kanya. Magtataka ito pero hindi na papansinin. "No, it's ok Dale! I get it!" sabay bawi ng braso at aalis.
"Naku naman Dale! Lagot ka!" bulong nito sa sarili. Aalis na rin si Dale.
Makikita ni Edward ang pag-alis ng kakambal pagkatapos makipag-usap kay Dale.
"He's still here? I thought he's in a hurry?" tanong nito sa sarili ng makita pa ang binata. Susundan na rin ang kapatid na si Laura.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon