#superlatives

965 45 1
                                    

Sa classroom ay tahimik lang si Edward at Dale na tila nagpapakiramdaman.
Natapos ang klase ng hindi sila nagkikibuan.
Sa soccer practice sinabi ng coach nila may game na sila kinabukasan laban sa PMU. Maganda ang record ng PMU kaya kailangan nilang husayan kung nais nilang matalo ito.
"PMU?" ang tila nag-iisip na si Dale.
"Why? You know that school?" ang tanong naman ni Edward na narinig pala sya.
"Syempre naman! Dun lang naman member ng varsity si Superman!"
"Superman? As in Tanner? Moymoy's crush Tanner?" ang tila hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo bro! Sya nga! Yung super gwapo, super matalino, super matipuno, super bait at super galing magsoccer na si Superman Tanner according to my kambal Moymoy!" ang pagyayabang ni Dale.
"You sound so gay, bro!" ang tila naaasar na sinagot na lang nito.
"Pero seryoso bro! Magaling talaga si Super T! Sya rin ang team captain ng PMU." at umakbay pa ito kay Edward sabay tapik sa balikat nito na tila nang-aasar.
"Whatever! Let's just wait and see tomorrow!" sabay alis ng kamay ni Dale na nakaakbay sa kanya sabay alis.
"Walk-out?" tanong ni Marco kay Dale patungkol kay Edward.
Nagkibit-balikat si Dale. "Ewan ko dun."
"Sana lang hindi ako mahalata ni Super T bukas." ang bulong ni Dale sa sarili.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon