#whynot

993 49 0
                                    

Habang kumakain ay hindi maiwasan ni Edward ang mapatingin kay Dale. Tahimik lang sya habang ang lahat ay masayang nagkukwentuhan. Hindi nya maiwasang mapaisip sa nakikitang itsura ng kaharap.
Naiilang na si Dale dahil nararamdaman nyang tumitingin sa kanya ang binata. Iniiwasan nyang mapatingin dito. Pilit syang ngumingiti sa kung anumang kinukwento ni Laura sa kanya.
Nang makita ng binatang ngumiti si Dale ay hindi nya naiwasang mapatitig dito.
Napansin naman ito ni Laura kaya lihim syang napangiti.
"So twin, what's this about you not attending the acquaintance ball?" ang pukaw nya sa atensyon nito.
"'Cause I don't want to."
"Why not?"
"Just because."
"Is it because you don't have a date yet?" ang pagpupumipilit ni Laura sa kakambal.
"Nope! I just don't feel like going!"
"Bakit naman anak?" ang tanong ni Cathy sa binata.
"Why don't you just go with your sister and Vince?" ang pangungumbinse naman ni Kevin sa anak.
"Yeah twin! Just come with us! I'll take care of your date!"

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon