#PAREho

1.1K 54 0
                                    

Kinabukasan ay pumasok na rin si Dale sa eskwelahan kahit na may pag-aalinlangan siya. Habang naglalakad papasok ng klase ay biglang inangklahan siya ni Laura.
"Bushak!"
"Smile or I will reveal your secret." ang bulong nito sa kanya habang nakangiti ng ubod ng tamis.
Nakita niyang kasunod lang nila si Edward kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang ngumiti na rin kahit napipilitan.
Nang nasa tapat na sila ng classroom ay bumulong ito sa kanya.
"Let's talk later after your soccer practice."
"Bye Dale! See you later!" ang sabi nito ng malakas sabay alis.
"Ahm bye Laura!" mahinang sagot nito.
Sa klase ay kapansinpansin ang pananahimik ni Dale.
"Ok ka lang bro?" ang tanong ni Marco dito. "Ah ok lang Marco." alanganing sagot nito.
"Are you up for practice later bro?" tanong naman ni Edward.
"Oo naman! Ako pa!"
"Ano nga pa lang update sa mga dates nyo for the ball?"
"Ako meron na!" ang singit ni Yong.
"Hindi namin tinatanong!"/"We're not asking you!" sabay na sabi ni Marco at Edward sa tonong nang-aasar.
"Eh di shut up na ako!" sagot naman ni Yong na nakangiti lang.
"But seriously, guys are you going with a date or not?" tanong ulit ni Marco kay Dale at Edward.
"I'm not going." ang sagot ni Edward./
"Hindi ako pupunta." ang sagot ni Dale. Magkakatinginan silang dalawa.
"Pareho kayo?" tanong ni Marco.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon