Nakita ni Tanner na nagdidiwang ang team ng PBB Uni.
Mataman nyang pinagmamasdan si Vince.
Hindi maalis sa isip nya yung huling sipa na ginawa nito na syang nagpatalo sa kanila.
Iisa pa lang ang nakita nyang sumipa ng ganun at yun ay walang iba kung hindi si Maymay.
Madalas pa nga nitong ipagyabang sa kanya na signature kick nya iyon.
Nagtataka sya kung bakit ganun din ang nakita nyang ginawa kanina ni Vince.
Marahil dahil kambal sila kaya nagawa din ito ni Vince.
Pero ang alam nya talaga ay magkaiba sila ni Maymay ng style sa paglalaro.
Alam nya ito dahil madalas syang isama ni Maymay sa tuwing manunuod ito ng mga video ng games ni Vince.
Bonding moment nilang magkaibigan iyon bukod sa naglalaro din sila mismo ng soccer.
Napaisip tuloy si Tanner sa naging pag-uusap nila ni Vince kaninang bago mag-umpisa ang laro.
Isinawalang bahala nya ang tila pag-iwas nito kanina sa kanya nung lumapit sya at kamustahin si Maymay dito.
Inisip na lang nya na baka naiilang lang ito sa kanya dahil hindi naman sila ang close bagkus ay ang kapatid nitong si Maymay.
Ngayon ay napapaisip na sya na baka iba ang dahilan ng tila pag-iwas nito.
Natigil ang pagmumuni-muni nya ng tawagin na sila upang humanay para makipagkamay sa isa't-isa.
Habang palapit na si Vince sa kanya ay may naisip syang gawin.
Si Vince na ang kakamayan nya.
Ngunit imbes na kamayan ito ay....
Hinawakan nya ang kamay ni Vince sabay hila dito upang mayakap nya sabay bulong ng... "Great kick, Maymay!"
BINABASA MO ANG
Twinning In Love
Fanfictionjust another #MayWard story Cast of Characters: Maymay Entrata - full name Mary Dale Edward Barber - soccer varsity player, campus heartthrob Vincent Entrata - full name Vincent Dale, Maymay's twin brother Laura Barber - cheerleader, Edward's twin s...