"Edward!" ang mahinang tawag ni Maymay sa atensyon nito.
Kanina pa ito titig na titig sa kanya na tila ba pinipilit silipin ang kaluluwa nya at ang laman ng puso nya.
Ang dami nitong tinanong sa kanya pero parang hindi naman ito nakinig sa mga sagot nya.
Naguguluhan na tuloy si Maymay sa inaakto ni Edward.
Nang tila bumalik ang katinuan nito ay...
"What?"
"Pwede bang umupo na tayo? Kanina pa kasi masakit ang paa ko!"
"Why didn't you say so earlier?"
"Kanina pa kita tinatawag pero parang hindi mo ako naririnig. Kaya hinayaan na lang muna kita."
"Sorry about that! I was lost in my thoughts."
"Mukha nga!" nag-umpisa na syang maglakad pabalik sa table nila.
Pinigil naman sya nito.
"Maymay, can we go somewhere else quiet to talk? I really want to tell you something!"
Naisip ni Maymay na pagbigyan na ito sa hiling dahil hindi nya alam ang mangyayari sa mga susunod na araw pagkatapos ng gagawin nya.
"Sige!"
Tila nagulat pa si Edward sa agaran nyang pagsang-ayon.
"Are you sure?" ang tila nag-aalangan pang tanong ulit nito.
"Oo naman!" at ngumiti pa sya rito.
The moment Edward saw her smile he was immediately reminded of Dale.
That beautiful smile! The kind of smile that makes you smile too!
"I just noticed that you and Dale have the same kind of smile!"
"Ah eh ganun ba? Ibig kong sabihin syempre naman dahil kambal kami!" at nagpatuloy na sya sa paglalakad.
Humawak naman muli si Edward sa bewang nya upang alalayan sya.
Para mawala ang ilang nya sa paghawak nito...
"Pwede bang kumain muna tayo bago mag-usap? Medyo nagugutom na kasi ako!" sabay hawak pa nya sa tiyan.
Natawa naman si Edward sa ginawa nya...
"Sure! Let's eat first!"
BINABASA MO ANG
Twinning In Love
Fanfictionjust another #MayWard story Cast of Characters: Maymay Entrata - full name Mary Dale Edward Barber - soccer varsity player, campus heartthrob Vincent Entrata - full name Vincent Dale, Maymay's twin brother Laura Barber - cheerleader, Edward's twin s...