Dahil sa inis ni Edward sa kakambal nya ay napagdesisyonan nyang tumambay na lang muna kung nasaan ang mga drinks. (punch lang naman bawal ang hard 😜)
Ayaw na muna nyang bumalik sa lamesa nila dahil baka asarin na naman sya ng mga kaibigan.
Maraming babaeng nagpapakyut sa kanya pero lahat iyon ay hindi nya pinapansin.
Dahil hindi nya pinapansin ay iniwan na rin sya ng mga ito.
Nakakailang drinks na sya ng mapansin nyang nagtitinginan ang mga tao sa paparating.
Maingay na ang lugar dahil sa musikang tumutugtog at sa masayang kwentuhan ng mga estudyante.
Pero tila may dumaan na anghel ng dumating ang kung sino man.
Ang lahat ng madaanan nito ay isa-isang nahahawi na para bang dagat nung panahon ni Moises.
Pati ang mga nakaupo ay hindi mapigilang magsitinginan dito.
Dahil medyo nasa dulo ang kinatatayuan ni Edward ay hindi nya agad makita kung sino ang parating.
Tinanaw nya ang lamesa kung saan naruon ang kapatid at mga kaibigan.
Nakita nyang pati ang mga ito ay tila excited.
Medyo malapit na sa pwesto nya yung babae na pinagtitinginan ng lahat.
Oo babae kasi napansin nya ang puting gown na suot nito pero hindi pa rin nya nakikita ang mukha.
Nang mapansin nyang papalapit na sa pwesto nya ang babae ay hindi nya alam kung bakit ganun na lang ang kabang nararamdaman nya.
Ang bilis at ang lakas ng tibok ng puso nya.
Naisip nya tuloy na baka nga tinupad ni Laura ang kahilingan nya at si Liza Soberano nga ang kinuhang makakadate nya.
Pero imposible naman ata yun!
Hindi na sya mapakali sa kinatatayuan nya.
Hindi nya napansin na nagpipigil na pala sya ng hininga.
Nang mahawi ang huling tao na nakaharang sa pagitan nya at ng babaeng nakaputi.
Laking gulat nya sa nakita nya.
"Hi Edward! Ako nga pala yung date mo!"
BINABASA MO ANG
Twinning In Love
Fanfictionjust another #MayWard story Cast of Characters: Maymay Entrata - full name Mary Dale Edward Barber - soccer varsity player, campus heartthrob Vincent Entrata - full name Vincent Dale, Maymay's twin brother Laura Barber - cheerleader, Edward's twin s...