Paglabas nya ay nasa loob na si Edward ng sasakyan. Dali-dali syang sumakay ng kotse at naglagay ng seatbelt. Kinakabahan sya na hindi nya mawari. Pakiramdam kasi nya ay naiinis si Edward sa kanya. Tahimik lang ito at nakatuon ang pansin sa dinadaanan nila. Hindi na sya makatiis kaya nagsalita na sya.
"Bro, pasensya na kung naabala ka pa." ang mahina nyang sabi.
Hindi sumagot si Edward kaya naisip nya baka hindi sya narinig nito. Hindi na lang sya ulit nagsalita. Tinuon nya ang kanyang tingin sa may bintana ng kotse.
Narinig naman talaga sya ni Edward kaya lang ay naiilang itong tingnan sya kaya nagkunwari itong walang narinig. Hindi kasi maintindihan ni Edward ang sarili kung bakit parang gusto nyang titigan ang mukha ni Dale. Nang maramdaman nyang nakatuon ang tingin nito sa bintana ay pasimple itong tumingin kay Dale. Agad rin naman nyang binaling ang paningin sa daan.
"We're here." ang mahinang sabi nya ng hindi pa rin tumitingin dito.
Inalis ni Dale ang seatbelt. Tumingin sya kay Edward.
"Pasensya ka na talaga kung naabala pa kita Edward." ang malungkot na sabi nya.
Nang marinig nya ang lungkot sa boses ni Dale ay may kung anong nagtulak sa kanya para tumingin din dito.
BINABASA MO ANG
Twinning In Love
Fanfictionjust another #MayWard story Cast of Characters: Maymay Entrata - full name Mary Dale Edward Barber - soccer varsity player, campus heartthrob Vincent Entrata - full name Vincent Dale, Maymay's twin brother Laura Barber - cheerleader, Edward's twin s...