#reality

935 44 5
                                    

Napaisip sya sa sinabi ni Nikki na Cinderella.
"Cinderella....at katulad ni Cinderella ay kailangan ko ng bumalik sa reyalidad!" ang isip ni Maymay habang naglalakad pabalik sa ballroom.
Natanaw nya si Edward sa may table nila.
Nalulungkot sya pero kailangan nya ng itama ang pagkakamali nya.
Lumingon naman si Edward sa gawi nya at ngumiti ito pagkakita sa kanya.
Tumayo ito upang salubungin sya at alalayan sa paglalakad.
Napangiti naman sya sa ginawa nito.
Pagbalik nila sa table ay ipinaghila ulit sya nito ng upuan.
Pero hindi pa sya nakakaupo ay narinig nilang tumugtog ang Perfect ni Ed Sheeran.
Napalingon sila sa mga pares na nagsipuntahan sa dance floor.
Paupo na sana sya ng ilahad ni Edward ang kanyang kanang kamay.
"Maymay, may I have this dance?" at sabay ngiti nito sa kanya ng ubod tamis.
"Oo naman! Kaya nga ako nandito di ba?" ang pigil kilig pa nyang sagot dito.
Hawak kamay silang pumunta ng dance floor.
Nang magkatapat na sila upang sumayaw ay parang tinubuan ng hiya bigla si Maymay at tila hindi nya alam ang gagawin.
Napansin naman ito ni Edward.
Hinawakan nya ang mga kamay ni Maymay at ipinatong sa magkabilang balikat nya.
Pagkatapos ay dahan-dahan syang humawak sa bewang ng dalaga habang nakatitig sa mga mata nito.
Hindi naman alam ni Maymay ang mararamdaman sa ginawa ni Edward.
Parang kinikiliti sya ng libo-libong paru-paro ng humawak ito sa bewang nya.
At ang paraan ng pagtitig nito sa kanya ay tila hindi kinakaya ng buong sistema nya.
Pakiramdam nya ay sila lang ang nagsasayaw sa gitna at may nakatutok pa na sa spotlight sa kanila.
Napansin nyang bumubuka ang bibig ni Edward. Nagsasalita na pala ito pero parang wala syang naririnig.
"Ano nga ulit yon Edward?"
"I was asking you about when you arrived in Manila."
"Ah...."
Nang wala na syang ibang sabihin ay nagsalita ulit ito.
"How long did Laura know about you studying here? She never mentioned anything to me!"
"Mga mag-iisang buwan pa lang naman! Ang totoo aksidente lang na nalaman nya!"
"Accident? How come?"
"Aksidenteng nagkita kami ni Laura sa school kaya ayun nalaman nya na nandito ako!"
"School? You mean, you're studying here too?!?"

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon