#booking

961 45 4
                                    

"I have to go Dale! We have a lot of changes in our routine for the game later. Bye, bro!" sabay alis ni Laura at iniwan ang dalawa.
"Bushak! Wag mo ako iwan dito L!"
"So...What's mabuking?" si Edward na seryosong naghihintay pa rin ng sagot ni Dale.
"Mabuking?!? Ano'ng sinasabi mo dyan? Baka nagkamali ka lang ng rinig. Ang sabi ko kay Laura, booking. Tama! Booking!"
"I know what I heard Dale and that's not it!"
"So, sinasabi mo ba na nagsisinungaling ako?"
"I don't know, maybe!"
"Ano'ng ibig mong sabihin na hindi mo alam? Oo o hindi lang bakit may maybe?"
"Because I sometimes feel that you are hiding something."
"Hala nabuang na! Nakakaramdam na kaya ito?" ang bulong ni Dale sa isip.
"Ano naman sa tingin mo bro ang itinatago ko?"
"I don't know! I just feel as if ever since we got here in Uni you are not the same person anymore." ang may lungkot na tinuran nito.
"Naks naman bro! Ang aga-aga dramarama ka! Syempre college na tayo! Baka naninibago ka lang!" ang pag-iiba ni Dale sa usapan. Sabay mahinang suntok nito sa braso ni Edward.
"Maybe!" ang pagsang-ayon na lang ni Edward dito.
"Hay mabuti naman at nakalimutan na yung mabuking!" ang isip na naman ni Dale.
"Sana lang talaga hindi sya nakakahalata! Kung hindi yari ako!" patuloy pa rin ang kausap nya sa isip.
"Let's go! We still have a game to win!" ang aya na ni Edward kay Dale.
"Aja! Aja! Payting!" at napangiti na si Dale habang nagsasabi ng payting.
Napatitig na naman si Edward sa nakangiting si Dale.
Hindi nya talaga maintindihan ang sarili kung bakit sa tuwing nakikita nyang nakangiti si Dale ay napapatitig sya.
"What the hell is wrong with me?" ang bulong nito sa isip.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon