#thisisitpart2

942 45 18
                                    

Sumakay na si Laura at Dale sa limousine.
Nasa loob na rin si Edward.
"You look nice Dale!" ang bati ni Edward dito pagkaupo.
Nang makita naman ni Dale si Edward ay natulala sya. Medyo napaawang pa ang bibig nya kaya naman pasimple syang siniko ni Laura.
"Close your mouth!" ang bulong nito sa kanya na halatang pinipigilan ang tawa.
"Aaa...ang gwapo mo!" ang nauutal na sabi nya sa binata.
Napakunot naman ang noo ni Edward.
"Ibig kong sabihin ang gwapo mo rin bro, parang ako!" sabay Mr. Pogi pose.
Napangisi na lang ang binata.
"By the way, Laura... where is my date?"
"Don't worry dear brother, your date is already at the hotel. She decided to just meet us there to surprise you!"
"Just make sure she'll be there whoever the hell she is!"
"Just ready yourself because you are in for a surprise." ang mahinang sabi ni Laura.

Nakarating na sila sa hotel at marami na ring mga estudyante.
Nakita nila si Marco at Yong sa red carpet kasama ang kani-kanilang date habang si Christian ay mag-isa lang.
Habang naglalakad na si Laura kasabay si Dale sa red carpet ay nagtanong na naman si Edward na kasunod nilang naglalakad.
"So where is she Laura? Where's my date?" ang medyo naiirita nang tanong nito.
"Relax! She's already inside!" ang pagpapakalma ni Laura dito.
"She should be here walking the red carpet with me! That's why I asked you to find me a date! What's the use if she went in ahead of me?" ang iritable ng bulong nito.
"Calm down okay? She's here and I'm sure she will save your heartthrob reputation!"

Nakapasok na sila sa loob at pumuwesto na sa kanilang table.
Kasama nilang tatlo sila Marco, Yong, Christian at ang dalawang babae na kadate nung dalawa.
Pinakilala ni Marco at Yong ang kadate sa mga kasama sa table.
"O akala ko bro may kadate ka?" ang tanong ni Marco kay Edward.
"Oo nga bro, asan na? Pareho lang tayong walang kadate eh!" ang pang-aasar naman ni Christian.
Hindi kumikibo si Edward, halatang naiinis na ito. Tinitingnan nya si Laura na para bang sinasabing, "You'll pay for this!"
Ngumiti lang sa kanya si Laura.
Tumayo naman si Dale at nagpa-alam na magccr.
"Ahm, guys cr lang ako!" sabay senyas kay Laura. Tumango naman si Laura.
Tumayo rin si Edward para kumuha ng maiinom.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon