#usap

950 43 8
                                    

"100% beautiful!" sabay halik sa noo ng dalaga.
"Bakit mo ako hinalikan? Panagutan mo ako Edward!" sabay lamukos ng mukha ng binata para maitago ang kilig na nag-uumapaw sa flat na dibdib nya.
"I will after we graduate!" lakas-loob na sabi nito sabay ngingiti-ngiti sa dalaga.
"But seriously, My May don't ever doubt that you are beautiful because you really are even without make-up.  Even though you look like Sadako most of the time because of your long hair covering that lovely face you have." ang seryosong sabi nito.
Napatakip na lang tuloy si Maymay sa bibig nya para maitago ang ngiti sa sinabi ni Edward.
"Tara na nga! Umuwi na tayo! Pagod na akong kiligin! Este pagod na ako sa pagsuot ng heels!"
"Okay my princess! Your wish is my command!" sabay hawak sa kamay ni Maymay upang hilahin patayo. Pero hindi nya natantya ang lakas ng kamay nya at nasubsob si Maymay sa dibdib nya. Na syang ikinagulat ng dalaga. Napayakap naman sya sa dalaga para hindi sila matumba. Napahawak na lang tuloy sa dibdib ng binata ang dalaga. Hindi nya maiangat ang ulo upang matingnan si Edward dahil sa hiyang biglang dumapo sa katawan nya. Ang lakas ng kabog ng dibdib nya. Tumungo naman ang ulo ng binata...
"Are you okay Maymay? I'm sorry if I startled you!"
Inayos ni Maymay ang sarili.
"Okay lang Edward! Okay lang ako! Tara na?"
Dali-daling hinawakan ni Edward ang kamay nya.
"Let's go!"
Nagtaxi na lang sila at ihinatid na muna ni Edward si Maymay.
Buong byahe ay hindi binitawan ni Edward ang kamay ni Maymay. Tahimik lang sila.  Napansin ni Edward na nakatulog ang dalaga dahil napasandal ang ulo nito sa may bintana ng taxi. Napangiti ang binata.
Ipinatong nya ang ulo ng dalaga sa may balikat nya upang maging komportable ito. Tinitigan nya ng mabuti ang dalaga. Hindi nya alam kung bakit pero biglang sumagi sa isip nya si Dale. Si Dale na hindi nya akalaing magiging kaklase nya muli at makakasama sa soccer team dahil ang buong akala nya ay sa ibang school ito mag-aaral. Handa na syang humingi ng tawad dito.
"Kuya, patawarin mo ako sa ginawa ko!" ang malungkot na sabi ni Maymay.
"She must be having a bad dream!" Hinawi nya ang buhok na tumabing sa mukha ng dalaga.
Hindi nya napansin na nakarating na pala sila sa apartment nila Maymay.
"Sir! Andito na po tayo! Hihintayin ko pa po ba kayo?"
"Yes, manong! Salamat!"
Marahan naman nyang ginising si Maymay.
"My May, we're here!"
Pupungas-pungas pang nagmulat ng mata si Maymay.
"Sorry, nakatulog pala ako!"
"It's okay, My May! You looked so cute while you were sleeping!"
"Hihirit pa eh! Huwag mo na akong ihatid hanggang pinto mukhang andyan naman si kuya. Umuwi ka na para hindi na lumaki pa babayaran mo kay Manong!"
"Are you sure?" ang may pag-aalangan na tanong ng binata.
"Sure na sure! Manong alagaan nyo po itong gwapong ito ha? Pakakasalan pa ako nito!" at bumaba na nga ito agad ng taxi.
"Ako nang bahala Ma'am!" sabay saludo pa nito kay Maymay.
Wala ng nagawa si Edward kung hindi tanawin na lang si Maymay. Pinaandar na rin kasi agad ni Manong ang taxi.
Kinawayan pa ni Maymay hanggang sa tuluyang mawala sa paningin ang taxi.
Tumalikod na sya at akmang kakatok na sa pinto ng bumukas ito at nakita nya ang seryosong mukha ng kuya kambal nya.
"Kailangan nating mag-usap!"

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon