#LoVe

1K 43 1
                                    

Kinakabahan na si Vincent. Habang nagsasayaw sila ni Laura ay kabadong kabado sya. Malapit ng matapos ang sayaw at kinapa nya ulit ang maliit na box sa bulsa ng pantalon nya. Pagkatapos huminto ng tugtog ay magkahawak kamay sila ni Laura na nagbow. Nag-umpisa ng maglakad ang dalaga papunta ng table pero pinigilan nya ito.
"Laura, sandali lang!"
"Why, Vince?"
Nasa gitna pa rin sila ng dance floor. Yung ibang kasali sa cotillion ay nagsibalikan na sa mga upuan nila.
"Dito ka lang muna!" sabay pinatayo si Laura sa harap nya. Lumuhod si Vincent. Nagtinginan ang mga tao sa kanila.
"L, ayoko ng maging best friend mo...kasi gusto ko naman maging boyfriend mo! Will you be my girlfriend?" sabay labas ng box na may lamang necklace. "LoVe" ang nakalagay dito.
"Yes, V! I will be your bestgirlfriend!" sabay yakap kay Vincent.
Nagpalakpakan ang mga tao. Bumalik na rin sila sa table nila.
"Congrats twin and bro!" ang bati ni Edward sa kanila.
"Eh ikaw Edong, when are you, ahm, when, ahm, kailan magiging tayo?" ang pacute na tanong ni Heather sabay nguso.
"Will you please stop calling me that! Stop assuming that I like you just because I asked you to be my prom date!"
"Then why did you ask me kung wala kang gusto sa akin?"
"Because I had no choice!"
Hindi naririnig ni Laura at Vincent ang usapan nila dahil malakas ang tugtog. Nagsasayawan na kasi ang mga estudyante dahil tapos na ang program proper.
Naisipan ni Laura na tumawag kay Maymay para ibalita ang proposal ng kakambal nito.
"Maymay! Soul sis!" ang excited na bati nito.
"Kayo na ni Kuya?"
"Wait! How did you know when I haven't said anything yet?"
"Eh kasi sinabi sa akin ni kuya ang tungkol sa surprise proposal nya sayo!"
"Wait, is that you Moymoy?" ang singit ni Edward sa video chat ni Laura at Maymay.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon