#hindikamitalo

1.2K 49 3
                                    

Pumasok na ng school si Dale at inannounce ng teacher na magkakaroon ng Acquaintance Party ang mga freshmen. Black and White ang tema ng party ala Star Magic Ball. Kaya ang mga babae ay aligaga kung anong susuotin nila. Habang ang mga lalaki naman ay tumitingin tingin sa paligid kung sinong pwedeng ayain na date. Ang sabi naman ng professor nila ay pwede kang umattend ng may date at pwede ding solo.
"Sino kayang mag-aaya sa akin? Este sino kaya pwede kong kadate?" Bulong ni Dale sa sarili.
"Bro, you can invite Laura. I'm sure she wouldn't mind." sabi ni Marco sa kanya.
"Hindi na! Move on na tayo uy! At tsaka may iba na akong gusto!"
"Wow! Talagang nakamove on ka na nga! Eh sino naman yung bago mong natitipuhan bro?" Mapapalingon si Edward sa dalawa na para bang hinihintay ang isasagot ni Dale. Magkakatinginan sila ni Dale.
"Meron na nga akong bago....kaya lang hindi kami talo!" sabi ni Dale habang nakatingin din kay Edward. Magpapalipat-lipat ng tingin si Marco kay Edward at Dale. May pagtataka sa isip niya.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon