#jerseynumber24

2K 91 60
                                    

Epilogue

Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na si Edward sa school sa Amerika.
Nagsorry rin ito sa hindi pagpansin sa akin ng ilang araw bago ako umalis. Masyado lang daw syang nalungkot sa balita ko kaya ayun nag-inarte. 😜
Dumating din daw sya sa airport nung araw ng alis ko kaya lang hindi nya na ako inabot dahil sa sobrang traffic, alam nyo naman sa Pinas! 😏
Nung nabasa daw nya ang huling text ko sa kanya ay talagang sising-sisi sya dahil nasaktan nya ako at inakala ko pang break na kami dahil sa hindi nya pagkausap sa akin.
Kaya napagdesisyunan nyang kausapin ang parents nya na dito na rin sya pag-aralin. Buti at pumayag ang mga ito. Supportive parents talaga sila Mommy Cathy at Daddy Kevin. (char! maka-Mommy at Daddy wagas!) 😅
Matalino rin naman si Edward kaya hindi sya nahirapan makapasok dito sa Uni.
Hindi nya sinabi sa akin para masurpresa ako sa pagdating nya.
Naalala ko pa nung first day of school.
Hiyang hiya ako sa sinabi nya! 😳
Unang araw pa lang bumabakod na! 💇
Akala mo naman may aagaw sa akin! 😜

Eto na ang araw na pinakahihintay ko!
Ang first game ko bilang si Mary Dale Entrata!
Grabe ang daming tao! Ganun sila kasupportive sa school team.
Isa-isa ng tinatawag ang mga players.

"Wearing jersey number 24...Mary Dale Entrata!"
At lumabas na ako sa field. Nakakabingi ang sigawan ng mga tao.
Pero isang tao lang ang hinahanap ng mga mata ko.
Nakita ko syang nakatayo at panay ang palakpak.
Nakasuot din sya ng katulad ng jersey ko na may number 24.
Ang ever supportive jowa ko! At ang number one fan ko! (sabi nya! 😎)

"Woooh! That's my girl! That's my Mary Dale!"

--------------- the end ---------------

Author's Note:
Sa wakas natapos ko rin. 😅
Sa lahat ng naka appreciate sa story ko maraming maraming salamat! 😘
Ginawa ko lang talaga ito para sa sarili ko. 😌
Although this story is very similar to the movie "She's the man", it wasn't actually my inspiration.
MayWard talaga ang naging inspirasyon ko dito dahil sa Brad at Moymoy, Twinnie, Edward playing soccer, Baboy at Manok, yung Dale sa pangalan ni Maymay at Vincent.
Okay tama na ang drama. 😁
Again, thank you for the love! 💕

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon