#lipstick

945 40 19
                                    

Dali-daling nagpunta si Maymay at Laura hindi sa cr kung hindi sa kwartong inupahan nila.
Hinubad na ni Maymay ang sapatos nya para makatakbo sya.
Tinawagan naman ni Laura si Nikki para maabangan na sila ni Maymay.
Nakita nila si Nikki sa labas ng pinto na sumesenyas ng bilisan nila.
Naunang pumasok si Maymay at kasunod naman nya ang humahangos na si Laura.
Sinara na agad ni Nikki ang pinto at lumapit kay Maymay para matulungan itong hubarin ang gown na suot.
Agad namang tinanggal ni Maymay ang wig na suot.
Pagkahubad ng gown ay dali-dali nyang sinuot ang pants at long sleeves.
Habang si Nikki naman ay abalang-abala sa pagpupunas ng mukha ni Maymay para matanggal ang make-up.
Nagsapatos na agad si Maymay at hindi na nag-abalang magsuot ng medyas.
Bahala na mapaltusan sya nagmamadali na sila.
Lumabas na sila ng kwarto at nagmamadaling bumalik kung saan ang ball.
Tinulungan na ni Laura ilagay ang bowtie ni Dale habang nagsusuot ito ng coat.
Nakita nilang nasa stage na lahat ang players at coaching staff.
"Go!" sabay tulak ng bahagya sa kanya ni Laura.
Umakyat na sya sa gilid ng stage at saktong si Edward ang naruon.
Napatingin naman si Edward sa kanya.
Nginitian naman nya ito.
Nagsalubong ang kilay ni Edward at tiningnan sya ng matalim.
Nag-iwas na lang sya ng tingin dito.
Hindi nya maintindihan kung bakit parang galit ito sa kanya.
Bumulong ito sa kanya.
"Whoever kissed you left her mark on your lips!"

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon