#paalam

1.1K 41 11
                                    

Hindi nya makontak si Edward. Bago matulog ay tinext na lang nya ito.

Maymay: Galit ka ba, Edward? Kausapin mo naman ako. Ayoko ng ganito tayo. Malapit na nga akong umalis tapos hindi pa tayo magkakausap.

Sumunod na araw ay hindi pa rin nya makontak si Edward at hindi rin ito nagreply sa text nya.
Ayaw naman nyang idamay pa sila Laura at Vincent kaya hindi nya sinabi ang tungkol dito. Tinext pa rin nya ang binata kahit na hindi ito nagrereply.

Maymay: Alam mo bang ang saya-saya ko nung sinabi sa akin ni Coach yung tungkol sa scholarship? Sa wakas makakapaglaro na rin ako ng soccer bilang ako at hindi nagpapanggap na si kuya.

Maymay: Pero nalungkot rin ako dahil magkakalayo tayo. Sobrang layo. Akala ko Camiguin at Manila lang ang magiging distansya natin. Yun pala Pilipinas at Amerika.

Lumipas ang mga araw na hindi na nagpaparamdam sa kanya si Edward. Patuloy pa rin ang pagtext nya.

Maymay: Siguro nakukulitan ka na sa mga kadramahan ko. Hayaan mo Edward last na ito.
Gusto ko lang malaman mo na naging masaya ako kahit sa ilang araw lang na naging tayo.

Araw na ng alis nya papuntang Amerika.
Hindi nya na lang sinabi kay Edward dahil mukhang hindi naman na ito interesado pang malaman ang anuman tungkol sa kanya. Sinabi nya kay Laura pero hindi nito alam na hindi alam ni Edward.
Si Vincent ang naghatid kay Maymay sa airport.
"Hindi ka ba ihahatid ng jowa mo?" si Vincent na hindi rin alam na walang alam si Edward na ngayon ang alis ni Maymay.
"Ah hindi kuya! May game kasi sila ngayon kaya hindi ako mahahatid non!"
"Ganun ba?" Narinig na nilang tinawag ang flight ni Maymay.
Yumakap si Maymay sa kuya kambal nya.
"Mag-ingat ka dun May!"
"Ako pa ba?" ang pilit na pagpapasaya nya sa sarili.
"Sige na baka maiwan pa ako!"

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon