#ibangGusto

1K 48 1
                                    

Habang naglalakad papunta ng classroom ay bigla siyang inangklahan ni Laura.
"Hi Dale!" ang masayang bati nito.
"Edward's at the back so just play along." ang bulong nito sa kanya.
"Hi Laura!" ang medyo malakas na pagkasabi niya habang tuloy-tuloy sila sa paglalakad.
"So, see you later after practice?"
"Sure! Sige pasok na ako sa class. Ikaw rin!"
"Ok! Later! Bye Twin!" ang paalam din nito kay Edward.
Naiwan na sila ni Edward at magkasunod na silang pumasok ng classroom. Pagkaupo...
"Uy mukhang meron ka na rin date sa ball natin Dale ah!" ang biro sa kanya ni Marco.
"Well..." sabay kibit balikat na nakangiti.
"Wait...you asked Laura and she said yes?"
"I thought you weren't going?"
"Naisip ko kasi chance na rin ito para bumalik yung pagkakaibigan namin ni Laura."
"Friends? Akala ko pa naman magkakabalikan na kayo!" si Marco.
"Friends na lang talaga kami! At tsaka di ba sinabi ko naman sa inyo na may iba na akong gusto!" sabay titingin ito kay Edward.
Si Edward ay mapapatitig din sa kanya na tila punung-puno ng tanong ang isipan.
"So ikaw na lang pala Edward ang hindi aattend?" ang tanong ni Marco.
Nagkibit balikat ito at umayos na ng pagkakaupo para sa pag-uumpisa ng klase.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon