#inis

906 46 8
                                    

Pagkatapos marinig ang ibinulong ni Tanner ay tila natuklaw ng ahas si Dale.
Hindi sya makakilos at makaalis sa pagkakayakap ni Tanner.
Hindi nya alam kung paano nya palulusutan ang sinabi nito.
Naramdaman ni Tanner na hindi kumikilos si Vince.
Ito na siguro ang kumpirmasyon sa hinala nya.
Dahil kaibigan nya si Maymay ay pinili nyang manahimik at huwag ibulgar ang sikreto nito.
"Don't worry Maymay, your secret is safe with me." ang bulong nya ulit dito.
Pagkasabi nuon ay tila nakahinga ng maluwag ang dalaga.
"Salamat Superman! Da best ka talaga!" ang bulong rin nito at hinigpitan ang yakap sa kanya.
Hindi naman nakaligtas ang eksenang yon kay Edward.
Naiinis na sya kanina pa ng makitang imbes na kamayan ay niyakap ni Tanner si Dale.
At mas lalo syang nainis ng makitang gumanti ng yakap si Dale dito.
Naiinis sya sa sarili nya dahil naiinis sya sa nakikita nya na hindi naman dapat sya mainis.
Sa inis nya ay hindi nya namamalayan na humihigpit ang hawak nya sa kamay ng kinakamayan nya.
"Bro! Awat na durog na kamay ko!"
"Oh, sorry!"
"Panalo na nga kayo pipilayan mo pa ako!" ang iiling-iling na sabi nito sa kanya.
Hindi na lang pinansin ni Edward ang sinabi nito at lumapit na sya kay Dale.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon