#stay

1K 52 17
                                    

Hindi makapaniwala si Edward sa nakikita nya.
Hindi nya namalayan na nakanganga na pala sya.
Sa sobrang gulat ay hindi nya napansin na nasa tabi na pala nya si Laura.
"I told you your jaw will drop!" ang nakangiting sabi nito sa kanya habang isinasara ang nakaawang na bibig nya.
"But... how.... when...." ang hindi pa rin makapaniwalang sabi nya. Palipat-lipat ang tingin nya kay Laura at sa babae.
"Why? Don't you want her to be your date?" ang tanong naman ni Laura dito.
"I do! It's just that..." hindi na nya natapos ang sasabihin ng magsalita ang babae.
"Ayaw nya ata Laura! Alis na lang ako!" akmang tatalikod na ang babae ng dali-daling hawakan ni Edward ang braso nito.
Napatingin ang babae sa kamay na humawak sa kanya.
"No, Moymoy! Stay!" ang pagpigil nito sa kanya.
"Grabe! Moymoy talaga? Nakagown na ako't lahat-lahat Moymoy pa rin? Ang sama mo Brad!" ang kunwari'y nagtatampong sabi ni Maymay at umaktong aalis ulit.
Hinigit ulit sya ni Edward.
"I mean, Maymay! Maymay, please stay and be my date for the night?" ang pakiusap nito sa dalaga.
"Okay! Madali naman akong kausap eh!" at hinarap na nya si Edward sabay ngiti dito.
Nakahawak pa rin si Edward sa isang braso nya at ngayo'y titig na titig sa mukha ng dalaga.
"Ahm, Edward, pwede mo ng bitawan ang braso ko!"
Binitawan naman ito ni Edward pero hindi pa rin ito nag-aalis ng titig sa dalaga.
Naiilang na tuloy si Maymay sa ginagawa ni Edward.
"May dumi ba ako sa mukha?" sabay hawak sa mukha na parang nagpupunas ng dumi.
Hinawakan ni Edward ang dalawang kamay nya para pigilan ang ginagawa nyang pagpupunas.
"Don't Maymay! You're beautiful!"

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon