Hindi alam ni Vincent kung ano'ng mararamdaman nya sa sinabi ng kakambal. Totoo matalik na magkaibigan sila ni Laura bago naging magkasintahan. Nauna pa nga syang naging kaibigan nito bago si Maymay. Nagkakilala sila sa PBB High kung saan naglalaro ng soccer si Vincent at cheerleader si Laura. Noong una ang akala nya ay maarte, mayabang at mahina ang utak nito...in short, typical cheerleader na napapanuod sa mga palabas. Maganda lang pero walang laman ang utak, bully at nuknukan ng arte at landi. Pero nung naging kaklase nya ito ay nalaman nyang mabait pala ito, matalino at walang kaarte-arte sa katawan. Idagdag pa na kahit may kaya sila ay pinili nitong sa public school mag-aral dahil mas gusto nito ang mga simpleng tao kesa makipagsosyalan sa private school. Pinakilala rin sya nito sa magulang na si Cathy at Kevin. Mababait ang mga magulang ni Laura at parang anak din ang turing sa kanya. Hindi nya alam kung bakit pero naramdaman nyang habang tumatagal ay parang hindi na kaibigan ang turing nya kay Laura. Championship game nila nung nag second year ng magtapat sya dito. Nung una ay hindi makapaniwala si Laura. Kaya naman niligawan nya ito. Third year JS Prom nila ng sagutin sya ni Laura ng matamis nitong oo.
BINABASA MO ANG
Twinning In Love
Fanfictionjust another #MayWard story Cast of Characters: Maymay Entrata - full name Mary Dale Edward Barber - soccer varsity player, campus heartthrob Vincent Entrata - full name Vincent Dale, Maymay's twin brother Laura Barber - cheerleader, Edward's twin s...