#crush

974 47 1
                                    

Third year nang dumating ang kakambal nito galing ng Germany at ipinakilala sa kanya. Sumali din ito sa soccer team. Mabait din si Edward at dahil gwapo ay maraming babae ang nagkakagusto.
Si Maymay naman ay pinakilala rin ni Vincent kay Laura noong first year high school pa lang. Dahil pareho silang mga buang kahit na wala sa itsura ni Laura ay nagkakasundo sila. Kahit pa sa fb at chat lang sila nagkakausap ni Maymay at kapag minsan na dumadalaw ito kay Vince tuwing bakasyon ay naging magkaibigan sila.
Pinakilala rin naman nila si Maymay kay Edward pero hindi nya maintindihan kung bakit hindi sila magkasundo. Madalas kasi ay inaasar ni Edward si Maymay kaya para silang aso't pusa kapag naggrugroup chat silang apat. Pero si Maymay ay nagkacrush at first sight kay Edward na inamin nito kay Laura. Si Laura ang nagsabi sa kanya.
Nasa bahay sila nila Laura nung time na yon para gumawa ng project. Nagbreak muna sila sa paggawa para magsnacks. Naisipan naman ni Laura na magvideo call kay Maymay habang pumunta sya sa kusina para kuhanin ang ihinandang merienda ni Tita Cathy. Pagbalik nya ay narinig nya ang pag-uusap ng dalawa tungkol sa crush ni Maymay. Si Edward na may kinuhang gamit sa kwarto nya ay pabalik na rin sa sala. Narinig din nito ang tungkol sa crush ni Maymay.
"Oy oy oy! Ano'ng crush crush ang sinasabi mo dyan May?" si Vincent habang nilalapag ang snacks na dala.
"Crush?!? You should study first you skinny manok!" ang pang-aasar ni Edward.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon