#kami

886 39 3
                                    

Huminga muna ng malalim si Maymay bago nagsimula.
"Same course tayo ng kinukuha."
"Really?!? Then how come I don't see you in school?"
"Dahil pang-gabi ang schedule ko."
"Oh, okay! Next!"
"Dun ako nagiistay sa apartment namin kasama ni kuya."
"How come I didn't see you there the last time I...."
"Ah...nung hinatid mo si kuya?"
"Yes!"
"Hindi ka naman pumasok sa loob ng apartment namin kaya paano mo ako makikita!"
"Oh, okay! Next!"
"Pinayagan na akong mag-aral ni mama dito para hindi daw ako masyadong malungkot sa pagkawala ni Papa Joe." ang huli ay sa mahina at malungkot na tinig.
Hinawakan naman ni Edward ang kamay nya ng marinig ang lungkot sa boses nya.
"I'm sorry for your loss. I know how much you love your Papa Joe."
Tumulo ang luha sa mata ni Maymay na agad naman nyang pinahid. Pinilit nyang pigilan ang lungkot na nararamdaman nya. Bumuntong hininga sya ng napakalalim.
"Are you okay?" ang pag-aalala naman ni Edward sabay abot ng panyo sa kanya.
Inabot ito ni Maymay at pinahiran ang luha nya.
"Okay lang ako!" ang pilit na ngiti nya sa binata.
Nagpatuloy sya sa pagsagot sa mga katanungan ni Edward.
"At tungkol naman dun sa huling tanong mo...."
"Yes....." abot-abot na ang kabang nararamdaman ni Edward sa sasabihin nito.
"Kami ni Tanner ay...."

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon