"Maymay! Bakit ang tagal mong buksan yung pinto?"
"Kuya!?!"
"Ba't nandito ka? Akala ko ba sabado ka pa uuwe?"
"Bakit ayaw mo ba?"
"Syempre gusto kuya! Namiss din kaya kita."
"Kumain ka na ba? May dala akong lasagna."
"Kakain pa lang sana. Wow! Lasagna my favorite!"
Magmamadali itong kumuha ng tinidor para makain ang pasalubong ng kapatid.
"Eh ikaw kuya kumain ka na ba?"
"Kumain na ako bago ako pumunta dito."
"Takaw mo talaga! Alisin mo muna yang tuwalya sa ulo mo bago ka kumain dyan!"
Mapapahawak sa ulo at lalo pang hihigpitan ang pagkakabuhol ng tuwalya.
"Hayaan mo na 'to! Laway na laway na ako sa lasagna."
Tatawanan ni Vincent ang kapatid.
"Ikaw talaga pagdating sa lasagna hindi ka maawat!"
"Sige pasok na ako sa kwarto. Inaantok na ako! Maaga pa pasok ko bukas!Iwan ko na kayo ng lasagna mo."
"Thanks kuya! The best ka talagang kambal!"
"Natural! Eh ako lang naman ang kakambal mo! Meron pa bang iba?" Nangingiting sabi habang naglalakad papuntang kwarto.
Habang maganang kumakain mag-isa si Maymay ay may isang taong kanina pa naguguluhan sa mga nasaksihan niya.
BINABASA MO ANG
Twinning In Love
Fanfictionjust another #MayWard story Cast of Characters: Maymay Entrata - full name Mary Dale Edward Barber - soccer varsity player, campus heartthrob Vincent Entrata - full name Vincent Dale, Maymay's twin brother Laura Barber - cheerleader, Edward's twin s...