#goodnews?

1K 37 1
                                    

Kinabukasan ay nakatanggap ng tawag si Maymay galing kay Coach Guerrero.
"Mary Dale, I have good news for you!"
"Ano po yun Coach?"
"I've already talked to my sister and she said that she showed your game to the school board and since your grades are also impressive they agreed to offer you a full scholarship."
"Talaga Coach? Seryoso?"
"Oo naman Mary Dale! Kaya asikasuhin mo na ang passport mo at mga kakailanganin mong documents dahil next semester sa Amerika ka na mag-aaral."
"Salamat Coach! Maraming maraming salamat!"
"Walang anuman Mary Dale! Galingan mo dun para hindi ako mapahiya sa ate ko ha!"
"Yes Coach gagawin ko ang best ko para hindi masayang ang opportunity na binigay nyo sa akin!"
"O sya sige! I'll give you my sister's email address so you can contact her for further details."

Pagkatapos ng pag-uusap nila ay ibinalita naman ni Maymay sa ina nya ang magandang balita.
"Talaga anak? Naku salamat naman at may mabuting naidulot ang pagpapanggap mo!"
"Opo Ma! Buti na lang talaga malakas ako kay Lord! At mukhang binantayan din ako ni Papa Joe sa langit kaya nangyari ito!"
"Siguro nga anak!"

Pagkatapos nilang mag-usap na mag-ina ay inopen nya ang GC nilang apat nila Vincent, Laura at Edward.

Maymay: Good news!
Edward: What, my jowa?
Laura: What is it SS?
Vincent: Ano yun?

Maymay: Nakatanggap ako ng full scholarship sa university na pinagcocoachan ng ate ni Coach Guerrero! 😎
Laura: 😱😱😱
Vincent: 🙌👊💪
Edward:.........

Maymay: Next month na ang alis ko kasi gusto ng ate ni Coach na matrain nya na ako agad habang hindi pa nagiistart ang second sem.
Vincent: Ang bilis naman!
Laura: Wait SS isn't Coach's sister in the US?
Edward: US?

Maymay: Oo sa Amerika nga yung scholarship! 😊
Vincent: 😱 Iba ka May! Amerika! Lakas! Hindi ka kaya mag-nosebleed doon? 😁
Laura: That's a great opportunity for you SS! I'm happy for you! 😊
Edward:

Maymay: Huy Brad! Bakit parang wala ka ng masabi dyan?
Edward: Congrats! Happy for you!
Vincent: Labas sa ilong bro! 😂
Laura: Shut up V! 😒

Maya-maya ay nag-offline si Edward.

Vincent: Lagot ka May! Nagtampo ata yung jowa mo! 😂
Laura: Don't worry about it SS! I'm sure he's just shocked. Just give him time to grasp the situation.
Maymay: Bushak ka kuya! Nang-aasar ka pa eh! 😔
Thanks SS! Sana nga! Sige na! Babye na!

Sinubukan nyang tawagan si Edward. Ring lang ng ring ang phone nito. Pagkaraan ng ilang minuto ay hindi nya na makontak ang cellphone nito.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon