#kuryente

1K 50 2
                                    

Pagkatapos ng practice ay nakaabang na si Laura. Nilapitan na ito ni Dale.
"Kanina ka pa?"
"I just arrived from cheerleading practice."
"You can shower there in our locker room. They all left already." ang bulong nito sa kanya.
"Talaga? Hay, salamat naman!"
"You just have to hurry before Edward finishes."
"Bakit naman?"
"Cause we're going in his car. So hurry!"
"Eto na nga o nagmamadali na!"
Pagkatapos niyang magshower ay sumama na siya kay Laura.
"Let's go! Edward's already waiting for us."
Dali-dali silang naglakad papuntang parking lot ng school.
"What took you so long Laura?"
"I waited for Dale! He's coming with us!"
Uupo na dapat si Dale sa likuran pero pinigilan siya ni Laura.
"You should sit in the front with Edward."
"Ok lang?" ang tanong nito kay Edward.
"Yeah, sure!"
Pumasok na silang tatlo sa kotse. Si Edward ang magdadrive habang sa tabi niya si Dale. Si Laura naman ay umupo na sa likod.
"Seatbelt." ang sabi ni Edward kay Dale.
Pero dahil kinakabahan si Dale ay hindi niya maayos-ayos ang paglalagay ng seatbelt. Napansin naman ito ni Laura kaya...
"Edward kindly help Dale with the seatbelt."
"Why? What seems to be the problem?" ang baling ni Edward kay Dale.
"Nastuck ata sya bro!" ang nahihiyang sagot ni Dale.
Biglang lumapit si Edward at hinila ang seatbelt. Nagulat si Dale kaya bigla syang napapigil ng hininga. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya.
Inabot na ni Edward ang seatbelt para si Dale na ang magkabit. Nag-abot ang kanilang mga daliri at may kung ano'ng kuryenteng dumaloy sa kamay ni Dale. Nanlaki ang mga mata niya.
"Naramdaman nya kaya yun?" ang bulong nya sa isip.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon