"May, kumusta pala sa school mo? Nakapag-adjust ka na ba? Alam mo naman iba ang ugali ng mga tao dito sa Maynila."
"O... okay naman kuya! Kahit naman ganito lang itsura ko eh Ms. Friendship ata 'to!"
"Baka naman puro lalaki na naman ang mga barkada mo ha! Ipapaalala ko lang sayo na babae ka. Dapat makipagkaibigan ka rin sa mga babae. Kaya ka napagkakamalang tibo eh!"
"Di bale na kaibigan ko naman si ate Laura." ang mahinang sabi nito.
"Ano May?"
"Ang sabi ko ano nga palang balak mo sa dati mong kaibigan na si ate Laura?"
Napabuntong hininga si Vince.
"Hayaan mo kakausapin ko na sya."
"Salamat naman kung ganon.Para makapagbonding na kami ni soul sister ng bonggang bongga!"
"Pasensya na pati pagkakaibigan nyo naapektuhan dahil sa kadramahan ko!"
"Ano ka ba naman kuya! Wala yon! Mabait si ate Laura kaya naiintindihan nya."
Saglit silang natahimik.
"Paano nga pala si Edward kuya? Kakausapin mo na rin ba sya?"
"Hindi na muna siguro...yung friendship muna namin ni L ang aayusin ko."
"Ikaw ang bahala. So, umpisahan na ba natin ang Operation Ibalik ang Friendship?"
Pasimple nyang dinial ang number ni Laura. Sumagot naman ito agad.
"Hello, soul sis!"
"Hello, ate L! Kausapin ka daw ni kuya!" Sabay abot ng cellphone kay Vince.
"Siraulo ka May! Bakit tinawagan mo?!?" habang tinutulak ang cp pabalik kay Maymay.
"Huwag ka ng maarte kuya kausapin mo na!" sabay abot uli ng cp kay Vince.
"Hello May! Where are you?" nataranta si Vince ng marinig ang boses ni Laura.Napilitan na rin syang kunin ang cell phone kay Maymay.
"Ahm... hello L?"
BINABASA MO ANG
Twinning In Love
Fanfictionjust another #MayWard story Cast of Characters: Maymay Entrata - full name Mary Dale Edward Barber - soccer varsity player, campus heartthrob Vincent Entrata - full name Vincent Dale, Maymay's twin brother Laura Barber - cheerleader, Edward's twin s...