#ganitokasiyon

938 46 0
                                    

"Grabe ka naman sa akin kuya! Bakit sobrang pangit ko ba?"
"Buang ka May! Syempre maganda ka kasi gwapo ako!" ang biro nito.
"Bushak ka kuya! GGSS lang ah!" ang pang-aasar nito sa kakambal.
"Pero teka, bakit ka nga nakamake-up? Naninibago tuloy ako!"
"Eh pano pinagtripan ako ng ex-gf mo!"
"Si Laura?"
"Meron pa bang iba?"
"Wala!"
"Yun naman pala eh! Bakit tinatanong mo pa!"
"Magkasama kayo kanina? Bakit kayo magkasama? Nagpunta ka ba sa kanila? Bakit kayo magkasama? Alam nyang nandito ka? Bakit kayo magkasama?"
"Paulit-ulit kuya? Unli?"
"Eh bakit nga kasi kayo magkasama?"
"Okay, okay! Hinay hinay lang sa mga tanong."
Hinawakan nya ang balikat ng kuya at saka itinulak ito papunta sa sala.
"Umupo ka muna dyan bago ko sagutin ang mga tanong mo."
Umupo naman si Vincent at pinagkrus ang mga braso.
"Okay umpisahan mo na!" ang seryosong sabi nito kay Maymay.
"Ganito kasi yon."

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon