#acceptance

6.9K 151 0
                                    

Natanggap ang kakambal ni Maymay na si Vincent sa dalawang unibersidad bilang scholar ng soccer team.

Napili niyang sa SCQ Uni mag-aral kahit na ineengganyo siya ng kakambal na sa PBB Uni mag-aral.

Naroon kasi ang ultimate crush nito na si Edward Barber na natanggap din sa soccer team.

"Sige na kuya! Para naman kapag dinadalaw kita makikita ko rin si Edward."

"Ayoko nga May! Ayoko ng magkaroon pa ng kaugnayan sa kanila ni Laura!"

Dating kasintahan kasi ni Vincent ang kakambal ni Edward na si Laura.

Sa PBB Uni din kasi ito mag-aaral at gusto na niyang magmove-on sa break-up nila kaya hangga't maaari ay ayaw na muna niya itong makita.

"Ikaw ang mag-aral dun kung gusto mo!"

"Eh hindi naman ako yung nakatanggap ng scholarship dun kundi ikaw!"

"Exactly! Kaya ako ang magdedecide kung saan ako mag-aaral!"

Bubulong si Maymay na "Hay! Kung meron lang sana silang girls' soccer team, eh di sana dun ako mag-aaral!"

Mag-aayos na ng gamit si Vincent para sa pupuntahang dorm na tutuluyan.

Maiiwan ang acceptance letter niya from PBB Uni sa lamesa.

Dadamputin ito ni Maymay at mapapabuntung-hininga.

"Hay...sayang talaga!"

Tititigan muli ang sulat at mapapaisip.

Kinabukasan ay maagang nag-asikaso ang magkapatid.

Si Vincent ay lilipat na ng dorm na malapit sa SCQ Uni.

Nagulat siya ng makitang nakapostura na rin ang kakambal.

"O May, ang aga mo yata? Di ba sabi ko hindi mo na ako kailangang ihatid."

"Ah eh may aasikasuhin lang ako kuya sa school!"

"Akala ko ba tapos ka na mag-enroll?"

"Meron lang konting kulang sa requirements ko."

"Ganun ba? O sige mauna na ako! Mag-iingat ka sa bagong school mo at pati na rin dito sa bahay! "

"Syempre naman kuya! Ako pa! Takot lang nila sa butu-buto ko!" (sabay bali ng mga braso niya na nagpatawa sa kuya niya)

"Baliw ka talaga! Basta mag-ingat ka! Mag-isa ka lang dito kaya mabuti na yung mag-ingat."(magyayakap ang magkapatid)

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon