#idea

956 45 3
                                    

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na rin si Dale na uuwi na. Buburahin na dapat nya ang make-up sa mukha pero pinigilan sya ni Laura.
"Trust me on this!" ang bulong nito sa kanya.
"Leave it Dale! You lost the challenge so you can't remove your make-up yet!" ang kunwari'y malakas na sabi nito.
Nahihiya man sya ay hinayaan na lang ito.
"Are you going home like that Vince?" si Tito Kevin sabay turo sa mukha nyang may make-up. Hindi mo alam kung natatawa ito o nag-aalala para sa kanya.
"Oo nga Vince, baka mamaya ay mapagkamalan kang babae! Gabi na delikado sa daan." ang pag-aalala naman ni Tita Cathy.
"I have an idea! Why don't Edward just take him home so we won't worry about Dale getting harassed?" ang nakangiting suhestyon ni Laura sa mom at dad nya.
"What!!!" Edward / "Ano?!?" Dale
"Mabuti pa nga siguro Edward ihatid mo na pauwi si Vince!" ang pagsang-ayon naman ni mommy Cathy.
"Naku, wag na po! Kaya ko na po ang sarili ko!" ang nahihiyang protesta ni Dale.
"Go on son! You know your mom will only worry if you don't do what she says." ang udyok ni daddy Kevin.
Bumuntong hininga na lang si Edward at kinuha ang susi ng sasakyan.
"Let's go!" ang aya nito kay Dale. Sabay labas ng bahay para mauna sa kotse.
"Sige po Tita Cathy at Tito Kevin mauna na po ako!" ang paalam ulit nito sa mag-asawa.
"Sige iho!" si Tita Cathy.
"Laura itetext kita pag nakauwi na ako!" ang paalam nito sa dalaga.
"I'll be waiting for it!" sabay ngiti ng nakakaloko kay Dale.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon