#crazyMary

970 47 1
                                    

Kinabukasan ay bumalik na ng boarding house si Vincent.
Pumasok na rin ng Uni si Maymay.
Nakita nyang nag-aabang si Laura sa kanya. Nakangiti itong lumapit sa kanya at umangkla sa braso nya.
"Hi soul sis!"
"Bushak! Baka may makarinig sayo ate L!" ang natarantang sabi nya habang tumitingin-tingin sa paligid.
"Don't worry! My brother's not here. He's already in your class."
Nakahinga naman ng maluwag si Dale.
"Mabuti na rin yung nag-iingat. Baka mabuking pa ako."
"You're still here. So am I to presume that you haven't told your brother the whole truth?"
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin yung buong katotohanan sa kanya eh."
"Which means we will continue with this charade until all hell breaks loose. Am I right?"
"Siguro? Hindi ko rin talaga alam eh!"
"What do you mean you don't know?"
"Ang alam ko lang masaya ako dahil nakakapaglaro ako ng soccer. Nung una si Edward lang ang dahilan ko kung bakit ako nandito. Pero sa tuwing nagprapractice na kami... narealize ko na mas matindi pala yung kagustuhan ko na maging part ng soccer team at maipakita yung kakayahan ko."
"Well, I'm glad to know that you are doing this for yourself and not because of my brother."
"Pero kung mapapa-inlove ko ang kakambal mo sa akin habang nandito ako bakit hindi?!? Tutal nandito na rin lang ako aba eh di itotodo ko na! Char char char!" sabay peace sign kay Laura.
"You're really crazy Mary Dale!" at matatawa na lang ito.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon