#affectED

914 42 8
                                    

"Tara na bro! Umpisa na ng game." kahit na kinakabahan ay niyaya na rin nya si Edward.
Walang imik naman na sumunod si Edward kay Dale.
Ayaw na munang isipin ni Dale ang nangyari dahil excited na sya sa game. Para na syang natatae sa sobrang excitement.
Ang tagal na kasi nyang pangarap ito.
Sa tuwing mapapanuod nya ang kuya nyang naglalaro ay naiinggit sya.
Kung bakit ba naman kasi walang girls soccer team sa probinsya nila.
Kaya ngayon na matutupad na ang pangarap nyang makapaglaro ng soccer sa isang totoong game ay hindi nya maiwasan ang medyo malungkot.
Naaalala nya ang Papa Joe nya na syang number one fan nya.
Palagi nitong pinapaalala sa kanya na huwag susuko at balang araw ay matutupad ang pangarap nyang makapaglaro ng soccer.
Saglit syang tumingala sa langit at bumulong ng dasal.
"Papa Joe, pakibantayan ako sa laban namin ngayon. Pakisabi na rin kay Lord na sana mapatawad nya ako sa pagpapanggap ko."
Nakatingin si Edward kay Dale habang nakapikit itong nakatingala.
Bakas sa mukha nito ang lungkot kahit na nakapikit.
Hindi alam ni Edward kung bakit pero parang may kurot na naman syang nararamdaman sa puso nya habang minamasdan si Dale.
"Why am I so affected?" ang natanong na lang nya sa sarili na hindi nya talaga alam kung paano sasagutin.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon