#WTH

1.5K 71 4
                                    

Habang naglalakad papasok ng school...
"Vince!"
"Vince!"
Hahabulin sya ni Laura at aangkla sa kanya.
"Hey, don't be a stranger!"
"Ah ikaw pala a...este Laura! Pasensya na hindi kita napansin."
"Grabe ka naman Vince! Parang wala naman tayong pinagsamahan. Akala ko ba ok na tayo?"
"Oo naman!"
"Eh what's this about you being called Dale?"
"Ah yun ba? Wala yun! Para maiba lang!"
"Ok, Dale, I'm Laura, nice to meet you!" (sabay abot ng kamay para makipagshake hands)
"Friends?"
Alangan na iaabot ni Dale ang kamay pero hahawakan na ito ni Laura at makikipagkamay.
"Friends!" (kahit na nag-aalangan ay mapapangiti na rin si Dale)
Habang magkahawak ay tila magtataka si Laura. Babawiin agad ni Dale ang kamay at magpapaalam na.
"Sige Laura una na ako."
"Bye Dale!"
Si Edward na nakasunod kay Laura ay tahimik lang na pinagmamasdan ang kakambal at ang ex nito. Magpapaalam na rin kay Laura at susunod na kay Dale.
"Bro, wait up! Sabay na tayo sa room." (Aakbay kay Dale pero aalisin din agad)
"Thank you nga pala bro!"
"Para saan?"
"I'm glad na nag-uusap na kayo ulit ni Laura."
"Wala yun bro! Move on move on din pag may time." (sabay ngiti kay Edward)
Mapapatitig naman si Edward sa pagngiti ni Dale sa kanya.
"Tara pasok na tayo!"
Biglang mapapailing si Edward sabay hawak sa batok. "What the heck was that?" (bulong nito sa sarili)

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon