#chance

928 41 0
                                    

Dahil sa pangako na yun ay silang dalawa lang ang nakakaalam kung sino ang totoong crush ni Maymay. Habang si Edward ay naniniwala pa rin na si Tanner nga ang crush nito. Aso't pusa pa rin naman ang dalawa kapag nagkakausap sila pero kapag nababanggit ni Maymay si Tanner ay biglang nananahimik si Edward at aalis.
Third year JS Prom na at si Laura at Vincent ang magkadate. Ayaw sana umattend ni Edward pero dahil kasama sya sa cotillion ay wala syang nagawa. Kasabay din ng JS Prom nila ang kanila Maymay sa probinsya.  Nagulat pa nga sila ng malamang kasama rin sya sa cotillion at kapartner nya pa ang "crush" na si Tanner. Habang si Edward naman ay kapartner ang kasamahan ni Laura sa cheer squad na si Heather.
"Aren't you going to ask Heather to be your prom date, Ed?"
"Nope!"
"Bakit naman bro? Mukha naman syang mabait, maganda pa!"
"That's what you think!" ang bulong nito sa sarili.
Ang totoo ay pinipilit sya nito na sila ang maging magkadate sa prom. Kaya lang ay ayaw nya talaga. Pinapakisamahan nya lang talaga ito dahil kasamahan ito ni Laura sa squad at kapartner nya pa sa cotillion. Nalaman kasi nyang may gusto ito sa kanya kaya iniiwasan nya ito.
"Why don't you give her a chance? Try to get to know her and you might see that she's not that bad."
"Oo nga bro!"
"I'll try!" at pumayag na nga sya maging kadate ito sa prom.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon