This is it! This is the day that the Lord has made! Char!
Nasa bahay nila Laura si Dale para dun na magbihis at sabay-sabay na silang pupunta sa venue ng ball.
Sa isang 5 star hotel ito gaganapin at hindi sa eskwelahan nila.
Nasa room sila ni Laura. Inaayusan na sya ni Nikki na hair at make-up artist nyang friend.
Si Dale naman ay palakad-lakad na kagat kagat ang mga daliri at hindi mapakali.
"Will you stop doing that Dale! You're making me dizzy!"
"Bushak!" ang nagulat pang sabi nito kay Laura. Umupo naman ito ngunit halatang hindi pa rin mapakali.
"Sigurado ka na ba sa gagawin natin Laura?"
"Don't worry Dale, we have Nikki here to help us with our plan!"
"Ay oo gurl! Excited na aketch sa gagawin natin!"
Hindi naman mapigilan ni Dale ang mapangiti sa ikinikilos ni Nikki. Para kasi itong bulateng naasinan sa sobrang excitement.
"I already booked a room in the hotel for our plan. Nikki will be there ahead of us so she can prepare what we need."
"So for now all you have to do is wear your tuxedo and make yourself look handsome!"
"Sige na magbihis ka na at tapos ko nang ayusan si Laura! Magbibihis na rin sya!"
"You can dress up in there!" sabay turo ni Laura sa cr na nasa loob ng kwarto nya.
"Eh ikaw? Saan ka magbibihis?"
"I'll just dress up here!"
Napatingin si Dale kay Nikki.
"Hay naku wag mo akong tinitingnan ng ganyan ha! Hindi kami talo!"
Natawa naman si Laura.
"I'll be fine here with Nikki, don't worry I'm not her type!"
Pumasok na rin ng cr si Dale bitbit ang tuxedo nya upang magbihis.
Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na sya.
"So, how do I look?" ang tanong ni Laura sa kanya.
Hindi naman sya agad nakapagsalita at natulala sya sa ganda nito.
"Skrengge! Ang ganda mo! Ang ganda ganda mo!"
Natawa naman si Laura sa reaksyon nya.
"And you look handsome too!" sabay kindat pa.
Nag-Mr. Pogi pose naman si Dale.
"Okay na ba? Papasa na ba?"
"Ay fafa!" ang tili naman ni Nikki sabay angkla sa braso ni Dale.
Tok tok tok...
"Laura! Are you finished yet? We have to go! The limo's here!" ang sigaw ni Edward sa labas ng kwarto ni Laura.
"We're done! You can go ahead and wait for us in the car!" ang sagot nito sa kakambal.
"Hurry up ok?!" at narinig nila ang yabag ni Edward na bumaba na ng hagdan.
"Let's go?" ang aya ni Laura kay Dale.
Inabot naman ni Dale ang kamay kay Laura para alalayan ito. Nagpakawala pa sya ng isang malakas na buntung hininga bago sumagot.
"Let's go!!!"
BINABASA MO ANG
Twinning In Love
Fanfictionjust another #MayWard story Cast of Characters: Maymay Entrata - full name Mary Dale Edward Barber - soccer varsity player, campus heartthrob Vincent Entrata - full name Vincent Dale, Maymay's twin brother Laura Barber - cheerleader, Edward's twin s...