#miss

886 40 4
                                    

"Tanner!?!" ang medyo nagulat pang sabi ni Dale dito.
Pasimple syang kumawala sa akbay nito.
Hindi nya akalain na lalapit ito sa kanya gayong balak nya ngang iwasan ito.
"So, how's your twin?" ang nakangiti pang tanong nito ulit.
"Twin?" ang wala pa sa wisyong tanong ni Dale.
"Yes, your twin, Maymay! How is she? Eversince she came here to study she hasn't contacted me yet! I've missed her!"
"Ah si Maymay! Sabi ko nga si Maymay ang kakambal ko!" ang mahinang sabi nito sa sarili.
"Baka busy lang sa school nya bro! Nag-aadjust pa siguro! Sigurado ako miss ka na rin non!"
"I hope so!"
Narinig na nila ang senyales na mag-uumpisa na ang laro.
"Ok Vince, I have to go! Tell your twin to contact me soon!" sabay takbo na nito pabalik sa pwesto nila.
Kumaway na rin si Dale sa papalayong si Tanner.
Medyo naibsan na ang kaba nya sa pag-alis nito. Sana lang talaga ay hindi ito nakahalata.
"I've missed you too Super T!" ang bulong nito sa sarili na nangingiti pa.
Dahil sa nabigla sya sa paglapit ni Tanner ay hindi nya napansin na kanina pa nasa tabi nya si Edward.
Nakasalubong ang kilay nito at nakakatitig lang sa kanya.
Hindi nya natagalan ang pagtitig nito kaya umiwas sya ng tingin.
"Kanina pa ba sya dito? Narinig nya kaya yung sinabi ko?" ang kinakabahan nyang bulong sa isip nya.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon