#sadeyes

940 44 3
                                    

Nanlaki ang mata ni Dale sa sinabi ni Edward.
Hinawakan nya ang labi at dali-daling kinuha ang panyong nasa bulsa ng pants nya.
Pinunasan nya ang labi para mabura ang bakas ng lipstick ni Maymay.
"Bushak!Akala ni Edward nakipaghalikan ako kung kanino." sa isip-isip nya.
"Buti na rin yun at least hindi nya nahalata na ako talaga yung naglipstick!" ang patuloy na kausap nya sa sarili.
Narinig naman nyang nagpapalakpakan ang mga tao pati na rin ang mga kasama nya sa stage.
Isa-isa silang binigyan ng champagne para magtoast.
Pagkatapos ng speech ng coach nila ay nagtoast ito.
"Cheers!" ang sabi naman nila at sabay-sabay na itinaas ang baso at pinagdikit.
Kanya-kanya silang inom.
Nagpalakpakan naman ang mga estudyante at ibang teachers.
Bumaba na sila ng stage at bumalik sa kanya-kanyang lamesa.
Ang bilis ni Edward maglakad. Inuunahan nya si Dale na halos bungguin na sya nito.
Hindi na nakatiis si Dale at hinawakan nya ang braso ni Edward para mapigilan ito.
"May problema ba tayo bro?"
"I don't know! Do we?" ang tanong naman nito pabalik sa kanya.
"Kaya nga tinatanong kita di ba?" ang malungkot na tanong ni Dale.
"Oh God I hate it when his eyes looks so sad!" ang naiinis na sabi ni Edward sa sarili.
"Anyway, have you seen Maymay? She went looking for you earlier!" ang pag-iiba na lang nya ng usapan.
"Hindi kami nagkita! Baka sa ibang cr sya naghanap."

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon