#puso

953 42 14
                                    

"You're beautiful!"
"You're beautiful!"
"You're beautiful!"
Paulit-ulit na parang sirang plaka sa utak ko yung sinabi nya.
Hindi ata ako makakamove-on sa sinabi nya.
Pati na rin sa ngiting nakita ko sa mga labi nya pagkatapos nyang sabihin yon.
Ako... si Maymay na palagi nyang inaasar na manok at tinatatawag na Moymoy ay sinabihan ng ultimate crush ko ng "You're beautiful!".
Edward John Barber yun bes! Campus heartthrob at pantasya ng mga higad at linta pati na rin ng mga bakla.
Eto na ba yung sinasabi nilang "haba ng hair" moment ko?
Well.... mahaba naman talaga ang hair ko ngayon! Wig nga lang! 😜
Hindi pa rin nya inaalis yung titig nya sa akin.
Kung alam ko lang na kailangan ko lang pala magsuklay para mapansin nya ako dapat dati ko pa ginawa.
Ikinilos ko ang aking mga kamay na hawak-hawak pa rin nya.
"Brad, yung kamay ko!" sabay nguso ko dito.
"Oh! Sorry!" ang tila nahihiyang sabi nito. Dahan-dahan naman nyang binitawan ang mga kamay ko. Sabay iwas ng tingin.
Himala ata hindi nya ako inaasar. Sobrang naninibago tuloy ako. Pasimple ko syang tiningnan.
Gwapo bai! Sobrang gwapo! Lahat na ata ng pwedeng malalaglag sayo malalaglag sa sobrang kagwapuhan nito.
Makalaglag matris, panga, mata, panty at bra, atay, balun-balunan, lahat ng laman-loob na sinasama sa dinuguan at papaitan. At higit sa lahat makalaglag puso.

Twinning In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon