"Taehyung wait.."
Pasimple tinanggal ni Jimin ang kamay ni Taehyung sa kanya habang hinihila siya nito kung saan man siya nito balak dalhin.Huminto naman sila sa paglakad at hinarap siya nito.
"Bakit? May problema, Chim?"
"Ahm,w-wala naman. Naiwan ko yata yung wallet ko sa canteen,balikan ko lang ha?"
"Ako na,dito ka na lang--
"Di na,ako na Taehyung. Saglit lang ako,mm?"
Di na niya ito hinintay pang makaangal pa,bahagya na siyang tumakbo pabalik sa canteen dahil binabawalan siyang magpapagod ng sobra.
Kung kelan malapit na siya sa canteen,saka niya nakita si Jungkook na nilapitan ng isang babae,at ang sumunod na nangyari ang nagpakirot sa puso niya...dahil nakita niyang hinalikan ng magandang babae si Jungkook,at tila hindi naman pumalag ang mahal niya.
Mabibigat ang mga paa na tumalikod na siya,at tanging pagluha ang tangi niyang magawa. Wala naman siyang karapatan para masaktan. Hindi na niya pag-aari si Jungkook at ang puso nito.
Nasaktan niya ito eh,kaya deserve na nitong sumaya sa piling ng iba. Nasaktan niya ang inosente nitong puso,kaya doble ang balik nun sa kanya.
Nakapanakit siya ng puso,kaya bilang kabayaran,puso din niya ang naghihirap ngayon as he got a weak heart. And on it's worse stage and he need to undergo surgery as soon as possible.
Kung siya lang ang tatanungin,ayaw na niyang mabuhay pa. Ayaw na niyang makita pa si Jungkook na may kasama ng iba. Pero kung magiging masaya si Jungkook sa taong itinadhana para dito,sino siya para kumontra? Magiging masaya na lang siya for Jungkook.
Pero hindi niya in-expect na magiging ganito pala kasakit.
"Tama na'to.. Ayoko na"
Naninikip ang dibdib na lumihis siya ng daraanan,upang hindi siya makita ni Jungkook.
"Jimin? Hey,bakit ka umiiyak?"
Alalang tanong ni Taehyung sa kanya at patakbong lumapit sa kanya."P-Pabayaan mo na'ko Taehyung"
"What? Ano bang--
"I'm fine Taehyung"
Tumakbo na siya palayo kay Taehyung. Kung saan siya pupunta? Hindi niya alam. All he wants to do now,is to go far away from Jungkook. Ayaw na niya,sobrang sakit na ng pinagdaanan niya. Pinapahirapan na siya ng guilt niya dahil sa pang-iiwan niya kay Jungkook, doble pa ang sakit ng puso niya.
Highschool lovers sila. Sophomore students sila nung maging officially couple sila. 3 years na pagmamahalan,na nauwi din sa hiwalayan--well,siya naman ang may kasalanan sa paghihiwalay nila eh.
Sinunod niya ang kagustuhan ng Mommy nito. Yup,ang nanay nito ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Jungkook noon. Kinausap siya ng ginang.
Flashback,
"Ikaw ba ang boyfriend ng anak ko?"
Ninenerbiyos na tumingin siya sa ginang.
"P-po?"
"Malinaw ang tanong ko.. Bweno,didiretsuhin na kita. Kaya pinatawag kita,yun dahil gusto kong hiwalayan mo muna ang anak ko"
"Ma'am--
"You're too young to have a serious relationship kagaya ng sa inyo ng anak ko. Madami pang pwedeng mangyari sa inyong dalawa. I may sound like a monster Mom, but I just want my son's better life"
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
FanfictionWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...