"Hi everyone,hi Taehyung!"
Masiglang bati ni Jungkook sa kanila na katabi pa ang six months preggy nitong kasintahan na si Jimin.Inimbitahan kasi sila ng dalawa,na ayon kay Jungkook ay nami-miss na sila ni Jimin. Kaya naman nang tawagan sila ni Jungkook,sabay-sabay na silang nagpunta sa bahay ng mga ito.
Kasama niya sina Jhope,Yoongi,Micka at Hwon,halos kasunod din nilang dumating sina Jin at Namjoon. Masaya siya para sa mga kaibigan na may kanya-kanyang mga buhay na,na may kanya-kanyang buhay pag-ibig.
Kung may magtatanong kung masaya siya,oo naman. Masaya siya pero hindi pa buo kasi yung kalahati ng puso niya,malayo sa kanya. Hindi pa din kasi bumabalik ang girlfriend niya na si Jas na nasa Japan pa din. Lampas apat na buwan na itong nandoon kasama ang mga magulang nito at nitong mga nakaraang dalawang araw,hindi niya ito ma-contact kaya nag-aalala na siya.
"Uy Taetae, ano pang itinatayo-tayo mo diyan? Pumasok ka na dito"
Untag pa ni Jin sa kanya. Tila wala na naman siya sa sarili niya dahil nakapasok na pala ang mga kaibigan niya habang naiwan siyang nakatayo mag-isa sa may pinto.Tuloy-tuloy na pumasok na lamang siya,at naupo sa tabi ng couch na kinauupuan ng mag-asawang Yoongi at Jhope. May konting inggit siyang nararamdaman sa mga sandaling napapatingin siya sa mga kaibigan niyang masasaya kasama ang mga kanya-kanyang mga partner ng mga ito. Siya kase,always alone---parang saling pusa lang siya...ganun yung pakiramdam niya minsan.
"Ayos ka lang ba dude?"
Si Yoongi ang nagtanong sa kanya.Bahagya siyang ngumiti dito at tumango bilang sagot."Liar. You're not okay,buddy. Hindi ka pa din ba tinatawagan ni Jas?"
Sabad ni Jungkook habang pinapainom pa ng vitamin si Jimin na mukhang tahimik at wala sa mood kaya medyo naninibago siya dito.He sighed and nods once again.
"Hindi pa eh"
"Nag-away ba kayo or tampuhan?"
"No,we're okay Jhope. Wala kaming pinag-awayan na kahit ano. Kayo ba Micka and Hwon, tumawag na ba siya sa inyo?"
Harap niya sa magkasintahang nagbubulungan pa at tila nagulat na nagtanong siya ng ganun.
"Oo,kaninang umaga. Tumawag siya saken,nangangamusta lang"
"Really? Bakit hindi niya ako tinatawagan?"
Parang gusto niyang magtampo dahil si Micka tinatawagan nito habang siya, tinitiis nito. Napapaisip tuloy siya kung may nagawa siya ditong hindi nito nagustuhan kaya hindi sinasagot ang mga tawag niya.
"Kase gusto kong i-surprise ka"
Singit ng isang tinig kaya otomatik silang lahat napatingin sa may pinto at mula nga doon ay parang maiiyak siya nang makita ang isang di katangkaran na babaeng cute na cute sa suot nitong above the knee length skirt,white T-shirt na naka-tucked in sa skirt and white doll shoes na may silver butterfly beads pa. Ang mahaba nitong buhok lampas bewang noon,hanggang sa may balikat na lamang ngayon."Jas?! Omo welcome back!!"
She waved to all of them,and stretched her small arms,welcoming Jimin to her embrace.
"Thanks,pretty Jimin..I missed you"
"Babae ka,akala ko di ka na uuwi dito"
"Pftt pwede ba naman yun Chimchim? Duh,ofcourse not!"
Hindi siya makakilos sa kinauupuan niya,habang pinagmamasdan lang ang mga kaibigan niyang wine-welcome si Jas,niyayakap at pinaghahalikan pa sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: Then,Now and Forever
FanfictionWhat if magtagpo kayo ulit ng ex mo? Tas ikaw may feelings pa pero si ex di ka sigurado kung may natitira pa ba kahit konting pagmamahal sayo? Pa'no mo haharapin ang sitwasyon mo at ng ex mo lalo kung ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwa...