Threats

275 11 1
                                    


After ng libing,ang magbabarkada pinipilit na maging okay muli kahit may isa ng nabawas sa kanila. Especially Taehyung na pilit na ibinabangon ang sarili sa kalungkutan na kinalulugmukan niya. Pinipilit na magpakatatag,at wag ng umiyak gaya ng gusto ng namayapa niyang sinta.

At napapansin yun ni Jimin,kaya lalo siyang nagi-guilty dahil wala siyang nagawa para tulungan si Jas na makalabas sa nasusunog na room.

Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang marinig niya ang pagtunog ng doorbell ng tinitirhan nila ni Jungkook. Dahil tulog pa ang boyfriend niya,bumangon na siya para tingnan kung sino ang tao sa labas.

Lumabas siya para pagbuksan ng gate ang kung sino man ang nag-doorbell and his eyes widened nang mabungaran niya ang taong nakangiting nakatayo sa harapan niya.

"J-Jas?"

Her smiles slowly fading away and turned to a complete seriousness.

"Ano man ang matanggap mo,wag na wag kang matatakot,Jimin. I'll protect you"

"Jas--

"Asawa ko sino yan?"

Saglit siyang napalingon kay Jungkook na patakbo pang lumalapit sa kinatatayuan niya. Subalit pagharap niya muli kay Jas,wala na ito kaya parang kinilabutan siya mulo ulo hanggang paa.

"Hey baby are you okay? Sinong kausap mo dito?"

"S-Si Jas,she's here Jungkook"

"What? Nasaan? Baby..."

Naluluhang hinanap niya sa buong paligid si Jas subalit ni anino nito hindi niya mahagilap.

"Andito lang siya kanina eh"

"Asawa ko,wala na si Jas... Nami-miss mo na siguro siya"

"No,nandito nga siya kanina bakit ayaw mong maniwala saken Kookie??"

Isang mahigpit na yakap lang ang naging sagot nito sa kanya,kaya sobra na siyang napaiyak ng tuluyan. Hindi kase siyang pwedeng magkamali at lalong hindi lang niya imagination na makita ang kaibigang si Jas na tila ba binabalaan siya.

And as if on cue, isang motorcycle ang huminto sa harapan mismo nila ni Jungkook.

"Package delivery po,sir"

Nagkatinginan sila ni Jungkook,shrugging dahil wala silang idea kung sino ang magpapadala sa kanila.

"Kanino galing yan?"
Si Jungkook na ang nagtanong sa delivery boy.

"Hindi na yun importante.."

Matapos mailapag sa harapan nila ang isang may katamtamang laking box sa harapan nila,humarurot na ng alis ang rider at tangkang hahabulin ni Jungkook ito subalit pinigilan na siya nito sa braso.

"Gagong yun ah..ang aga niyang nantitrip"

"Tama na Kookie... K-kanino kaya galing ang box na'to?"

Pinulot niya ang box at dahan-dahan na binuksan,napasigaw siya ng makita ang laman ng box at naibato pa yun dahil sa takot dahil isang malaking patay na daga at may threat pang nakasulat sa isang bond paper na 'isusunod na kita sa kaibigan mo' na sinulat gamit ang dugo.

"Putangina yun ah.. Hey baby,don't cry.. Wag kang matakot,walang mangyayaring masama sayo dahil di ko yun papayagan mm?"
Niyakap siya ni Jungkook,trying to calm him down pero sa totoo lang nangiginig talaga siya sa sobrang takot at kilabot na ang babala ni Jas sa kanya na kung anoman ang matanggap niya,hindi siya dapat matakot dahil poprotektahan daw siya nito.

Kookmin's presents: Then,Now and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon